Chapter 6

178 8 0
                                    

Chapter 6

Dream

I wished I was really Elena.

Hindi umalis si Elias no'ng gabing iyon. He stayed. Pakiramdam ko rin 'yon ang unang gabi na nakatulog ako nang mas mahimbing at payapa.

"You should rest," Elias said in a low voice, almost intimate.

Hinatid niya ako sa kaniyang silid. I didn't know where he would sleep and that thought made me a bit anxious. What if he left again? I know that's far from impossible, he's studying and working at the same time.

Pero pwede ba hilingin na rito muna siya?

My lips twisted. "Aalis ka ba ulit?"

I swear I tried hard not to sound anxious that those words almost came out like a whisper.

"Hindi na, Elena."

I couldn't see clearly his reactions because of the murk. But his words didn't fail to assure me amidst the dark. Tumango ako at nahiga na sa kaniyang kama gaya ng gusto niya mangyari. For once in a while, I fell asleep without thinking much.

The next day, I woke up early than I supposed to. Pakiramdam ko lang ay excited ako para sa mangyayari sa araw na 'yon.

Pagkalabas ko ay naabutan ko siya na nakatalikod at abala sa pagluluto.My face heated up a little when I glance at his bare back. Ayaw ko sana magpakita sa kaniya pero mukhang imposible 'yon dahil maghihilamos ako ng mukha at nasa malapit niya ang pinto ng banyo.

So I have no choice.

I walked very slowly, making sure that I wouldn't make any sound. Pero nasa pangalawang hakbang palang ang mga paa ko ay napalingon na siya sa akin.

I immediately covered my face with my two palms. I don't want him to see my morning face! Hindi ko pa nakikita ang repleksyon ko at baka may guhit at laway pa ako sa aking mukha! Nakakahiya.

Tumakbo ako papuntang banyo habang natatabunan ng aking mga kamay ang mukha. Right then, I felt my heartbeat was becoming profound. I stared flushed at my reflection on the mirror straight to me. Naghilamos ako nang maiigi, gusto ko na nga sana maligo para lang tumagal ang pananatili ko roon kaso hindi naman posible 'yon dahil bukod sa wala akong damit at tuwalya na nakahanda kumakatok na rin si Elisse sa labas.

"Ate! Ang tagal mo naman, ihing-ihi na ako!" reklamo niya.

I cleared my throat and ran my fingers through my hair before I decided to open the door. Sinigurado ko talaga na maayos ang aking mukha bago nagpasya na lumabas.

"Magandang umaga," bati ni Elias pagkalabas ko bago nilapag ang kaniyang niluto sa hapag.

Tumango lang ako at umupo sa dating pwesto. Hindi ko alam pero hindi ko kayang tumingin sa kaniya. It's so silly of me to think that I had been wanting to see him and now here I am, not wanting to steal even a single glance at him.

Natigil ang pag-iisip ko nang abutan niya ako ng isang tasa. Tinanggap ko iyon nang hindi pa rin siya tinitignan.

"Thank you," I simply said.

At first, I thought it was coffee. Nang sumimsim ako ay iba ang lasa nito at napagtanto ko na tsaa pala ang inabot niya sa akin. I wandered my eyes on the table to see if we're all having teas. Pero sa tingin at amoy ng kanila ay mukhang ako lang ang may tsaa.

He made me a tea?

"Kuya sobra yata ang niluto mo?" puna ni Elisse nang umupo siya sa tabi ko. Ilang sandali lang lumabas na rin si Nanay at sumalo na sa aming almusal.

She Loved, He Fought (The Daughters' Series #1)Where stories live. Discover now