CHAPTER 1: FIRST MET

11.7K 302 20
                                    

Copyright © 2020 by Ms. Fujoshi-san

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Disclaimer
I do not own any pictures, videos, song lyrics that may included in this book.

Inspired by the bl manhua in WeComics® FELL IN LOVE WITH MY GIRLFRIEND'S BROTHER ❤️

Hope you enjoy reading!😘

•••

*DING-DONG!!!*

"Argh!"

Kahit kailan talaga ang lalaking yun! Nakakainis! Sana kasi humanap na siya ng iba niyang matitirhan nang hindi na ako mabulabog pa ng ganitong dis oras ng gabi!

Padabog akong lumabas ng kwarto at binuksan ang pinto.

Bumungad sa aking harapan ang mukha ng lalaking sarap paliparan ng tsinelas.

“Hi Little Bro! Ang tagal mo namang buksan ang pinto?” nakangiting bati niya sa akin. Hindi pinansin ang kilay kong halos magkasalubong na dahil sa inis.

“By the way, meet my bestfriend,” sabi niya. Hindi ko napansin agad na may kasama pala siya dahil sa pagkairita ko sa bugok na kakambal kong 'to. “ .. Laxus Damone,” pagpapakilala niya.

“Hi Ice. I’ve heard so much about you from your twin brother. I’m glad to finally meet you,” nakangiting sabi naman niya na nakatitig sa mga mata ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ngayon ang kasama ni Ace. At sa mismong bahay ko pa.

Siya? P-paanong nagkakilala ang dalawang to?
Hindi ako nakasagot sa kaniya, bagkus ay pumasok na lang sila’t dumiretso sa sala.

Hindi ako nagpahalata kay Ace na nagkita na kami ng lalaking to at ang worst .. ugh! Whatever. Kaya sumunod na lang ako sa kanila at umupo sa isang sofa roon kaharap niya at ang tanging salaming mesa lamang ang pumapagitna sa amin.
Napayuko ako sa kinauupuan ko dahil ayokong makita ang pagmumukha niya o maski magkatama man lang ang mga mata namin.

“Mga tol, dito na muna kayo ah! Kukuha lang ako ng maiinom na beer sa kusina,” nakangiting sabi ni Ace sa amin at agad na umalis.

“Sige,” sagot naman ng nasa harapan ko.

Psh.

Pagkaalis ni Ace ay agad syang umayos ng upo. Prente syang umupo at nagkibit-balikat pa. Akala mo ako yung bisita rito ah! Ang kapal ng mukha nia!

Pero hindi pa rin mawaglit sa isip ko kung paano talaga naging kaibigan ng lalaking to ang kakambal ko.

“It’s been a while," rinig kong sabi ng kaharap ko. Alam kong nakangiti na naman to sa akin dahil halata ito sa boses niya.

Bigla ay naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

“Did you miss me?” dugtong pa niya na dahilan para mabalik sa aking alaala ang una naming pagkikita.

Flashback. 1 year ago.

“T-teka Kelly, bakit tayo nandito?” gulat at nagtatakang tanong ko nang makita ko ang nakasulat sa labas ng shop na pinuntahan namin ng kaibigan ko.

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon