Santa Pladencia
"Xandra, mahal kita".
Sabi ni Kin habang nakatingin sa'kin. Di ko siya matingnan sa mata dahil sa sinabi niya. Ibinaling ko ang aking mata sa mga bulaklak na bigay niya. Hawak ko parin ito. Ibinigay niya ito sa'kin pagkarating ko. Malayo pa lang nakita ko na siyang naka-upo sa isang bench na gawa sa semento.
Nandito kami ngayon sa likod ng senior high building sa may matalahib na lugar. Ginawa ito ng school para tambayan ng mga estudyante pero dahil sa matalahib na ang mga damo ay wala na masyadong estudyante na tumatambay masyado. Nasa likod kasi ito ng Senior High building. Hindi na yata namemaintain ang pag putol ng damo kaya naabandona na ang lugar. Marami na rin kasing ginawa na mga benches sa loob ng campus kaya doon na rin tumatambay halos lahat ng mga estudyante. Ngayon, pawang mga bulakbol nalang na mga estudyante ang tumatambay dito para uminom at manigarilyo.
Sinadya niyang dito kami magkita dahil wala masyadong estudyanteng dumadaan. Sinabi niyang may sasabihin siya kaya pumayag ako na makipagkita sa kanya.
Kaibigan ko si Kin simula elementary. Si Aira, Kin at ako. Kababata ko siya kaya di ko inakalang sa tagal naming pagkakaibigan ay nahuhumaling na pala siya sa'kin.
Ngayon ay naglakas loob na siyang sabihin ang nararamdaman niya sa akin.
"Simula elementary palang tayo Xandra, alam kong may pagtingin na ako sayo". Pagpapatuloy niya.
Di pa rin nagsisink-in sa akin lahat ng sinabi niya. Di ako makapaniwala na iba na pala ang turing niya sa akin.
"Kin, parang ang bilis lang kasi ng pangyayari".
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayaw ko siyang masaktan, kaibigan ko siya. Malapit na kaibigan. Ayaw ko na dahil lang sa nararamdaman niya ay masisira ang halos isang dekada na pagsasama namin.
"Mabilis? Hindi mo ba nahahalata na iba ang turing ko sa'yo kaysa sa ibang babae? Xandra, hindi ko sila tinuturing ng katulad ng pagtuturing ko sa'yo".
"Akala ko dahil kaibigan mo'ko kaya iba ang turing mo sa'kin". Hindi ko na talaga kaya. Konti nalang masasabi ko na ang salitang ayaw niyang marinig.
'Kaibigan lang turing ko sayo Kin'.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya kaya lang natatakot akong masaktan siya at layuan ako. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya kaya masasaktan ako ng sobra kung lalayuan niya ako.
"Ngayon, alam mo na".
May halong pagmamakaawa na ang boses niya.
Sorry Kin pero di ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo.
"Kin, I'm sorry pero kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Wala ng iba".
Tiningnan ko siya pagkatapos sabihin ang salitang iniingatan ko at nakita ang pagkalungkot nito. Bumagsak ang kanyang balikat at yumuko. Hindi ko kayang makita siyang nalulungkot. Kung kaya ko lang suklian ang pagmamahal na inaalok niya ay ginawa ko na pero ayaw ko namang magsinungaling sa sarili ko. Ayaw kong sarili ko naman ang lokohin ko.
Umiiyak na siya. Alam ko dahil naririnig ko ang paghingos at ang kanyang paghikbi. Hinawakan ko ang balikat niya at inalo siya.
"Kin, sorry. Tahan na".
Pag-aalo ko. Inangat niya ang kanyang mukha at tumingin sa'kin. Nakita ko na pinipigilan niya ang mga luha niya na tumulo. Alam ko rin na umiyak na siya dahil basa ang kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomanceNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...