Ikalabin-dalawang Kabanata

169 27 0
                                    



Couple watch

Masayang-masaya sila habang naglalaro ng parlor games. Tapos na kasi kaming kumain kaya nagkaroon ng laro para daw masaya.

Nandito lamang ako sa gilid habang pinapanood silang naglalaro. Natatawa naman ako minsan dahil sa kakulitan nila.

"At ngayon ang susunod na laro ay paper dance, at siyempre dapat pares ang sasali".

Agad naman naghanap ng mga kapares ang gustong sumali. Natawa pa ako dahil puro mag-asawa ang sumali sa laro.

"Naku kulang ng isang pares".

Nagsalita ang emcee. Nagbigay siya ng papel at kulang nga ng isang pares.

"Sino pa ang gustong sumali? Oh? Ikaw Manolo?"

Napatingin lahat sa kanya ang mga bisita sa tanong ng emcee. Niyugyog lamang niya ang kanyang ulo.

"Naku anak, sumali ka na. Matatapos na ang laro at hindi ka pa sumasali".
Si aling Lordes

"Sige na kuya, sumali ka na". Si Maymay

Tumayo si Manolo at kinuha ang isang papel sa emcee.

"Eh sino naman ang kapares mo?" Tanong ng emcee

"Si ate Xandra po". Si Maymay

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kinabahan ako bigla. Lumapit sakin si Maymay at hinila ako palapit sa gitna. Tumigil kami sa harap ni Manolo.

"Naku senyorita, pasensiya na. Kung ayaw niyo ay okay lang po" si Mang Enrico

"Maymay, ba't mo pa sinasali si senyorita dito". Singit naman ni Aling Lordes

"Okay lang po". Sagot ko

Tumingin ako kay Manolo. Nakatingin lang siya sakin. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang papel.

"Pano ba'to laruin?"

"Aapakan lang natin tong papel ng hindi lumalagpas ang paa kapag tumigil ang tugtog". Sagot niya.

Tumango lang ako. Ilang sandali ay biglang tumugtog. Tumingin ako sa kasama kong naglalaro at nakita silang nagsasayaw.

"Sayaw kayo". Singit ng emcee.

Nakatayo lang kami sa gitna ni Manolo habang nakatingin siya sakin. Tinitingnan ko naman ang papel sa paa namin habang kumekembot ako ng konti.

Medyo malaki pa ang papel kaya kasya pa ang dalawa naming paa dun.

Tumingin ako sa kanya ng biglang tumigil ang tugtog. Hindi ako agad nakaapak sa papel kaya hinila niya ako palapit sa kanya. Sa lakas ng pagkakahila niya ay bigla akong napayakap sa kanya. Hindi niya ako binitiwan kaya nakayakap pa rin ako sa kanya.

Inanounce ng emcee kung sino ang natanggal. Dalawa agad ang natanggal sa unang round. Binitiwan niya ako kaya lumayo ako ng konti sa kanya.

Nang nag announce ulit siya ng round two ay tinupi ng isang beses ang papel kaya medyo lumiit na ito.

Nag play muli ang tugtog kaya sumayaw ulit kami.

"Sorry! Masakit ba?"

"Hindi naman! Mabuti nalang at hinila mo'ko. Nakalimutan kong kailangan pa lang umapak sa papel"

Nagtitigan lang kami habang nagsasayaw ng huminto ulit ang tugtog. Dali-dali akong umapak sa papel at napayakap sa kanya.

Narinig naming humiyaw ang mga tao. At ilang sandali ay biglang tumawa.
Kumalas muli ako sa yakap niya at inayos ang sarili.

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon