Ika-limang Kabanata

203 36 0
                                    


Madam

Habang nag-iikot kami ay napadpad kami sa mga rides. Meron din palang rides dito, kaunti nga lang. Ferris wheel na mababa, horror train, extreme at octopus lang ang mayroon sila pero kahit ganun marami pa rin ang sumasakay.

"Sakay tayo ng horror train". Anyaya ni Maia samin.

"'yaw ko nga, nakakatakot kaya yan". Si Ruby. "Isa pa, nabwebwesit ako sa mga multo diyan. Guguluhin lang nila ang buhok natin".

Natawa naman ako sa sinabi nila.
"Talaga?". Tanong ko.

"Nako oo, alam mo ba last year nabwesit lahat ng babae diyan. Eh kasi isa sa multo naglagay ng uling sa kamay at pinahid sa mukha ng pumapasok diyan". Naiinis na sabi ni Ruby.

Natawa narin si Maia sa sinabi niya. Natawa rin ako. "Oo nga".

Tumatawa kaming tatlo nang nilingon ko si Julia. Hanggang ngayon tahimik pa rin siya. Simula nong nagkita sila ni Julius. Lumapit ako sa gilid niya.

"Okay ka lang?". Tanong ko.

Napalingon siya sakin. "Ha? Oo naman". Patay mali niyang sabi.

Lumapit din sa'min sina Maia at Ruby.
"Hay nako Xandra, hayaan mo na yan. Ganyan talaga yan kapag nagkukrus ang landas nila ni Julius". Si Maia

So hayun nga, hinayaan nalang namin si Julia. Sumakay kami sa Ferris wheel. Nilibre ko nalang sila para di na gumastos pa. Buong hapon kaming sumakay lang ng mga rides kaya nang nag alas-kwarto na ay nagpaalam na ako sa kanila baka kasi naghihintay na si mang Jeboy sa gate. Nung una ay ayaw pa nila akong payagan pero ng nag-text na si mang Jeboy ay pinaalis na rin nila ako. Nang nakarating ako sa gate ay siya ring pagdating ni Sandro.

"Saan ka naman galing?".

Medyo kusot yung uniform niya, pati yung buhok niya buhaghag pa. Nanlaki ang mata ko sa naisip. "Sandro? What have you done?". Lumapit ako sa kanya at kinurot.

"Easy Xand, naglaro lang kami ng basketball".

Natatawa niyang sabi. Umiilag pa siya sa bawat kurot ko.

"Really? 'wag mokong lokohin Sandro".

"Yeah yeah".

Tumatawa parin siya. Tumatakbo na siya ngayon dahil sa kurot ko. Hinahabol ko siya kaya mas lalo siyang tumatakbo. "Wala ngang nangyari eh". Sumisigaw niyang sabi sa kabilang banda na sasakyan.

"Isusumbong kita kay mama". Banta ko sa kanya.

"Really Xand? Kaya mo yang gawin sa kakambal mo?". Tumatawa parin siya. "At ano naman ang isusumbong mo? Na naglaro ako ng basketball tapos nakusot ko yung damit ko at magulo ang buhok ko?". Tumatawa parin siya.

Naiinis na talaga ako sa mga ginagawa niya. Pumasok nalang ako sa loob at hindi na nagsalita pa. Nawala ang ngiti niya. Huminto siya sa kakatawa sa ginawa ko. Pumasok siya sa loob at nakita niyang seryoso na ang mukha ko. Hindi ko na siya tiningnan at deretso nalang ang tingin sa labas.

"Tara na po kuya Jeboy". Mando ko sa driver namin.

"No, kuya Jeboy, wag muna tayo umalis".

Sumunod naman sa kanya si Kuya Jeboy at pinatay ang makina ng sasakyan.

Tumingin siya sa'kin ng seryoso. "Hey, I was just joking around". Panimula niya. Di ko parin siya tinitingnan, deretso parin ang tingin ko sa labas.
"Okay, I'm sorry alright".

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon