Ika-sampung Kabanata

181 33 0
                                    


'Pwede ba kitang ligawan?'

"Hoy, saan kayo pumunta kahapon?".

Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin kay Maia.

"Sa ilog, sinama nila ako".

"Naligo kayo?"

"Sila lang".

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ng magsalita ulit siya.

"Talaga? Masaya bang kasama ang grupo nila?"

"Okay lang naman".

"Hay ang swerte mo naman pero sabagay magkasing yaman lang naman kayo kaya okay lang".

"Ano namang masaya sa pagsama sa grupo nila kung OP ka naman". Singit ni Julia. Nakikinig pala siya sa usapan namin.

"Oo nga" sumingit na rin si Ruby.

Tumango nalang ako sa sinabi nila.
Nang matapos ang klase ay lumabas na kami at pumunta ng cafeteria.

Kumakain kami ng biglang nag ring ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakitang si Arthur ang tumatawag dun.

"May number ka pala ni Arthur?". Tanong ni Ruby

"Ah oo, binigyan ko siya kahapon".

"Hay iba talaga ang ganda mo Xandra".

"Hindi naman".

Sinagot ko ang tawag.

"Hi Xandra".

"Hello Arthur, napatawag ka?" Tanong ko

"Ahm, pinapatanong ng Boss mo kung kumain ka na raw."

"Ahm, kumakain na kami ngayon dito".

"Ah ganun ba, sige sasabihin ko".

May sinabi siya sa kabilang linya. Si Russel siguro ang kausap niya. Ilang sandali ay bumalik siya sakin.

"Ahm, dito ka nalang daw kumain. May sasabihin daw sila sayo".

"Ahm sige pupunta ako".

Binaba ko na ang tawag at nagligpit.

"Pupunta ka run?". Si Maia

"Oo kailangan. Alam niyo namang may kasalanan ako sa tao at isa pa may sasabihin daw sila sakin".

Tumayo na ako para pumunta sa kanila.

"Osige ingat ka".

Umalis na ako at pumunta ng college building. Nang makarating ako sa cafeteria ay nakita ko sila, dahan-dahang pumasok roon. Ako lang yata ang high school na pumupunta dito ng ganitong oras. Naka uniform pa ako kaya lahat ng tao dun ay napapatingin sakin.

Umupo ako sa bakanteng upuan na inilaan nila para sakin. Ngumiti si Mariel ng makita ako. Sa katabing upuan niya ako umupo.

"You are coming with us this coming wednesday alright". Saad ni Mariel.

"Saan?

"Birthday kasi ni Aljun kaya may handaan sa bahay nila".

Tiningnan ko ang tinuro ni Mariel na kabarkada niya.

"Ahm hindi ba nakakahiya?". Tanong ko

"Of course not".
Sagot  niya. "But I have a favor to ask you sana".

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon