"From now on, I will fight for you! Hindi na ako magpapadala sa mga sinasabi niya""What? She told you that? Sinabi niya yun?"
Hindi ako sumagot sa kanya sa halip ay kinuha ko ang mga papeles at binuklat iyon. Bigla siyang tumayo at lumapit sakin. Sinarado niya ang papeles na kabubukas ko palang.
"We have to talk"
"What for?"
"Lahat! Gusto kong malaman lahat ng sinabi niya"
"Para saan pa?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Sinubukan kong ilayo iyon pero hindi niya binitawan.
"Please! Tell me everything"
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa mukha niya. Nakakaawa siya, he look stressed dahil lang sa pag-aaway namin. Nakatingin siya sakin na para bang nagmamakaawa na sabihin ko sa kanya ang lahat.
"Please!"
"Dumalaw ako run para sana magpaalam sa inyo. And I did, pero kinausap ako ni Astrid".
Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko. Nakahawak pa rin siya dito habang seryosong nakatingin sakin.
"Sinabi niyang layuan kita dahil simula ng bumalik ako ay lumayo na ang loob mo sa kanya. Sinabi niya pang muntik na kayong maging magkasintahan kung hindi lang ako bumalik"
Kinalma ko ang sarili. Hinintay ko kung may sasabihin siya pero tahimik lamang siyang nakikinig sakin.
"Sasaktan lang daw kita ulit. She told me na naghihiganti ka lang sakin. She even told me na I'm like your mistress hiding from your wife"
"Hindi totoo lahat ng yun"
"It's true! Pero alam mo ba kung ano ang mas nakakainis? Hindi ko man lang maprotektahan ang sarili ko dahil kahit na ako ay hindi alam ang lebel natin. Hindi ko alam kung ano ba tayo?"
"Iyan ba ang ikinakagalit mo?"
"Of course not! Tama naman siya eh! I'm just your fling!"
"No! You're not! I don't do flings Xandra"
"Kung ganun ano ba tayo? Nalilito na ako sa sitwasyon natin Manolo!"
Tumawa siya at niyakap ako.
"Hindi ko talaga alam kung ano. You flirted me pero wala ka namang sinasabi ng kung ano. You always show signs pero hindi mo iyon isinasatinig. Everythings going back again"
"Going back?"
"Katulad noon, sinabi mong gusto mo'ko. We even kissed pero wala ka namang sinabi kung ano ba tayo!"
I feel depressed right now. Hindi ko na talaga maintindihan ang lahat. Astrid is right! Kung talagang gusto niya ako ay liligawan niya na ako. Hindi ganito na nalilito ako kung ano ba kami.
"I thought it's clear to you?"
"Clear what?"
"Alright! Kung gusto mo talaga ng lebel. Osige! Liligawan kita!"
Lumaki ang mata ko.
"Liligawan kita para hindi kana mag-isip pa ng kung ano-ano"
Ngumiti ako.
Unti-unting lumapit ang mukha niya. He will kiss me. I closed my eyes para hintayin sana ang halik niya ng biglang bumukas ang pintuan. Natulak ko si Manolo dahil sa gulat at biglaang pagpasok ni mama. He saw us, almost kissing pero nagpanggap lang siya na parang walang nakita. Lumapit siya sa upuan niya at umupo roon. Napabaling naman sa kanya si Manolo.
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomanceNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...