Ikalabin-tatlong Kabanata

161 26 0
                                    


'Hindi kami lumaking sanay sa luho!'

Nang makarating ay nakita naming naglalaro sa labas si Maymay kaya nilapitan ko siya.

"Hi Maymay".

Napalingon siya sakin at ngumiti.

"Hi ate Xandra".

Lumapit siya sakin at nagmano, ganun din ang ginawa niya sa kuya niya.

"Dala ko na ang regalo mo"

Ipinakita ko sa kanya ang isang paper bag. Tinanggap niya iyon at dali-daling pumasok sa bahay. Sinundan namin siya at umupo sa sala. Ilang sandali lang ay bumaba na siya at ipinakita sa amin ang damit habang suot iyon.

Tama nga ako. Maganda sa kanya ang damit. Bagay na bagay sa kanyang katawan. Medyo maputi si Maymay kaya mas lalo siya pumuti sa damit.

Lace ang damit na binili ko kaya kailangang itali ito sa leeg niya.

Napangiti ako sa kanya. Gumanda siya lalo sa damit niya. Tumingin siya sa salamin. Lumapit ako sa kanya para iayos ang buhok niya. Tinali ko iyon ng mahigpit.

"Mas maganda sayo ang nakatali ang buhok para mas lalong maeemphasize ang lace nito".

Ngumiti siya at yumakap sakin.

"Salamat po talaga, ate Xandra".

"Ouh, kanino galing yang damit?"

Biglang sumulpot ang nanay niya sa kung saan. Nakalapit na ito samin habang sinasabi yun.

Lumapit siya sa mama niya at ipinakita ng buo ang damit.

"Ang ganda nay. Bigay ni ate Xandra"

"Aba'y ang ganda naman nito. Hindi naman ba ito mahal senyora?"

"Hindi naman po, nagandahan lang talaga ako ng makita yan kanina kaya binili ko na"

"Naku salamat senyora"

Ngumiti ako sa kanya.

"Sandali lang at ipaghahanda ko kayo ng meryenda"

Umalis siya dun at iniwan kami. Umakyat naman si Maymay sa taas para siguro magbihis, kaya naiwan kaming dalawa dito sa sala.
Tahimik lang siyang nakatingin sakin habang suot ang seryosong mukha.

"Hindi mo naman siya kailangang bilhan ng ganun ka mahal na damit. Sanay sa Tiangge si Maymay kaya magugustuhan niya kahit dun lang".

"Okay lang, I don't mind the price"

"Pero kahit na, hindi kami lumaki na sanay sa luho"

Natamaan ako sa sinabi niya. Kaya napatahimik ako. I know lumaki kami sa luho pero that doesn't mean na masama iyon.

Nakita niya ang pagkabigla ko sa sinabi niya.

"I'm sorry. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin"

"I know. Pero dahil ba lumaki kami sa luho eh at kayo hindi ay ibig sabihin hindi na kayo pwedeng makatanggap ng ganun?"

"Ang ibig ko lang sabihin ay sanay kami kahit mumurahin lang" depensiya niya.

"Alam ko! Pero bawal bang bigyan kayo ng mamahaling bagay dahil lang sa sanay kayo sa mura?"

Hindi siya nakapagsalita. Tumahimik na rin ako. Wala ng gustong magsalita samin.

Bumalik si aling Lordes na may dala ng juice at lumpiang saging. Nakababa na rin si Maymay kaya hindi ko na kailangang kausapin pa si Manolo.
Tahimik lamang siya habang nag-uusap kami ni aling Lordes.

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon