I'm sorryKapapasok ko pa lang sa mansiyon ng makarinig ako ng tawanan sa likod ng mansiyon.
Huh? May bisita Sandro?
Pumunta ako sa likod at nakitang naliligo sila kasama ang mga lalaki. May mga babae din silang kasama. Tumatawa pa sila dahil siguro sa kanilang usapan. Nahagip ako ng tingin ni Sandro.
"Hey Sandra".
Umahon siya at lumapit sa'kin. Napatingin din lahat ng bisita niya sa ginawa niya. "Ang aga mo naman ata?". Tanong niya.
"Napagod na ako".
Tumingin ako sa mga barkada niya. Tiningnan ko sila isa-isa. Napansin ni Sandro ang ginawa ko kaya pinakilala niya sila.
"By the way, this is my new friends; si Ben, Hank, Martin at Jhun". Tinuro niya isa-isa ang mga ito. "And this is our female friend, Lou, Rose Ann and Pia".
Pakilala niya sa mga babae. Nginitian ko sila. Ngumiti rin sila pabalik. "Guys, this Xandra my Twin sister".
"Ganda pala ng kambal mo, Bro!". Puri ni Ben sa'kin. Nginitian ko siya.
"Yeah but she's off limit, Bro". Sagot ni Sandro sa kanya.
Tumawa lang ang barkada niya.Nagpaalam ako sa kanila at umakyat na sa kwarto para magbihis. Pagkababa ko ay pumunta ako sa kwadra para sumakay ulit ng kabayo. Gusto ko ulit maglakad-lakad ngunit sa ibang parte naman ng hacienda.
Tinext ko si mama na mamamasyal ulit ako. Sinabihan niya akong mag-ingat at huwag na mag short. Natawa ako sa reply niya.
Sakay ko ang kabayo habang minamando ko ito papunta sa manggahan. Pagkarating ko 'dun ay nakitang nag haharvest na naman sila ng mangga. Lumapit ako sa isa sa mga trabahador para humingi ng mangga.
"Ahm, excuse me po. Pwede po bang humingi ng mangga?".
Napabaling sa'kin ang isang matanda na lalaki. Hindi naman masyadong matanda, siguro nasa mga 40 anyos na ngunit malakas pa rin.
"Nako senyorita, oo naman".
Kumuha siya ng isa sa dala niyang basket at binalatan. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa iyon. Nang matapos ay ibinigay niya ito sakin.
"Salamat po".
Ngumiti lang siya sakin. Tinikman ko ang mangga. "Ang tamis".
"Oo nga po senyorita, kaya nga po mabilis nabebenta ito sa mga bayan sa sobrang sarap".
"Asan po ba ito ibinebenta?". Tanong ko.
"Sa kabilang bayan senyorita at yung iba dinadala sa maynila para doon ibenta". Sagot niya.
Tumango lang ako sa kanya at tinuloy ang pagkain nang may batang babae na lumapit sa kanya. "Tay, uwi na daw muna kayo. Kumain na muna daw kayo".
"Tapusin ko lang to anak, malapit natong matapos".
Tiningnan ko lang sila habang nag-uusap.
"Pero Tay, wala pa po kayong pananghalian. Alam niyo namang kailangan mo pang uminom ng gamot". Natuwa ako sa alaga ng kanyang anak.
"Sige na po. Hayaan niyo ng sila ang tumapos". Napatingin naman sa banda ko ang bata. "Kaya na po nila yun, kumain na muna po kayo".
"Ahm sige senyorita". Pumayag din siya.
"Nga pala senyorita, hali kayo sa bahay namin. Mumunti lamang ang bahay namin baka at gusto niyong uminom ng maginaw na tubig".
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomanceNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...