Ikatatlompu't-anim na Kabanata

167 23 0
                                    


"So? You admit na girlfriend mo nga siya?"

"Good morning, Miss Xandra"

"Goodmorning po"

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng firm namin pagkatapos akong batiin ng mga empleyado. Nakita ko roon si mama na may binabasa.

"Busy?"

"Oo! Tinitingnan ko lang ang ratio ng benta natin ngayon"

"Why? Bumaba ba?"

"Yeah! Bumaba ng konti!"

"Well, baka kasi mahina ang bentahan ngayon. Tag-init kasi ngayon kaya mahina ang pamumunga ng mga tanim"

"Yeah! Bumaba nga ng konti ang sale natin"

"Don't worry! Baka sa susunod na taon ay babalik sa dati ang sale natin. El Niño kasi ngayon"

"You're right"

"Where's dad?"

"Nasa planta lang siguro"

"Ohh okay!"

Umupo ako sa bakanteng upuan malapit kay mama at nagsimula ng magtrabaho. Kakasimula ko lang kahapon. Wala pa naman ako masyadong ginagawa. I just study things. Mga papeles dito sa firm, pati na rin sa planta. I even study the sale for the last few years.

Nang maghapon ay nagpaalam na ako kay mama para mauna ng umuwi. Kailangan kong mamasyal sa buong hacienda to be acquainted with it. Para maging pamilyar ako sa lugar lalo na sa mga trabahador. I need to establish friendship bago ko pangalaagaan ang hacienda. Para naman hindi sila matakot mag-approach sakin.

Nang makarating ako ay umakyat ako at nagbihis. I command manang para ihanda ang isang kabayo para sakin. Nakahanda na ang kabayong gagamitin pagkababa ko and to my suprise, ito parin yung kabayo na ginagamit ko six years ago.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa burol na pinuntahan namin ni Kin noon. Kung saan makikita ang buong hacienda namin. There were no sign of people there. Walang tao kahit isa man lang akong nakita sa hacienda. Well, maybe dahil hindi naman anihan ngayon. Nagsisimula palang sa pagtubo ang mga tanim.

I stood there for a bit. Wala akong ginawa kundi ang tumingin sa paligid when my eyes stop at one thing. Kitang-kita na rito ang bahay nina Manolo. Well! Noon kasi hindi ito nakikita dahil maliit lamang ang bahay nila pero ngayon klarong-klaro na ito.

How is he? Sana naman masaya na sila ng babaeng yun. I never thought na may taong makakatibag ng masasaya kong damdamin sa kanya. I wiped my tears ng maramdaman kong may tumutulo roon. I have to keep busy para makalimutan ko ang damdamin ko sa kanya.

Well I hope...

Nasa manggahan na ako ng makarinig ako ng kaluskos kung saan. I tried to find it but I couldn't. Medyo dumidilim na rin kasi kaya hindi ko na masyadong maaniag ang paligid. Nakarinig ako ng kaluskos ulit. Is there something here? Pinatakbo ko ang kabayo ng mabilis. Hindi na ako lumingon pa dahil sa takot. Kung ano man yun, I feel so scared.

"What's wrong? Bakit pawis na pawis ka?"

"Naglibot-libot lang"

"And why are you running? Nakita daw ng mga katulong na pinapatakbo mo ang kabayo"

"I heard weird noises kanina habang nasa manggahan ako. I got scared kaya pinatakbo ko ang kabayo"

Umakyat na ako sa kwarto at naligo. Bumaba lamang ako ng kakain na at umakyat ulit pagkatapos. Nakahiga na ako ng tumunog ang phone ko. It was Aira who's calling.

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon