Ika-tatlompong Kabanata

147 23 1
                                    


"Pero alam mo kung ano ang mas nakakasakit sa lahat? yung nasaktan kita kaya ka nagagalit pero ikaw pinapatay ako, kaya nasasaktan mo'ko"

"Okay ka lang ba, Xandra?"

Ngumiti ako. "Okay lang ako. Period days"

"Ayy, sayang. Kaya pala kanina ka pa tahimik. Hindi naman ba sumasakit?"

"Medyo okay na naman"

Naniwala naman siya kaya hindi na siya nag-usisa pa. Bumalik siya sa kanila at nakisabay. Infairness rin kay Aira, ang bilis niyang nakagaanan ng loob sila Mariel.

"Tanggalin na ang blindfold"

Sigaw nila kaya tinanggal naman ito ng macho dancer. Tumatawa lang si Daisy habang sinasayawan siya ng lalaki.

"Patay talaga ako kay Mannie nito"

Tumawa lang sila. Masayang-masaya sila kaya kalaunan ay tumawa na rin ako. Kakalimutan ko na muna ang problema ko, kasal ni Daisy bukas, I have to be happy para makita niyang masaya ako para sa kanya. Alas diyez ng hatinggabi ng matapos kami sa bridal shower. Paglabas namin ay sakto naman ang paglabas din ng mga lalaki. Natapos na rin pa sila. Nag-usap-usap pa sandali bago napagpasyahan na umuwi na. May kasal pa bukas kaya kailangang magpahinga ng ikakasal.

Hinatid kami ulit ni Russel sa mansiyon, convoy pa ata namin si Manolo dahil sa nakikita naming liwanag ng sasakyan. Pagkarating namin sa mansiyon ay umakyat na kami at nagpahinga.

"Bilisan mo Xandra, baka malate na tayo. Malapit ng mag alas-tres"

Binilisan ko na ang paglalagay ng make-up. Nang matapos ako ay bumaba na kami at dumeretso na sa sasakyan.

Nasa labas na silang lahat maging ang bride ng dumating kami. Magsisimula na talaga yata. Bumaba kami at pumasok na sa loob. Ngumiti lang ako kay Daisy ng mahagip niya ako ng tingin. Sakto namang pag-upo namin ay ang pagtugtog ng musical instrument. Ilang sandali lang ay naglakad na ang mga sponsor, sinundan naman ng ninong at ninang.

Biglang nag-iba ang tugtog bigla itong naging mas soft. Mas nakakainlove na ang kanta ngayon. Ilang sandali lang ay pumasok na ang bride. Naglalakad na siya. Daisy looks so beautiful in her gown. Guhit na guhit ang ngiti sa mukha niya. Naiiyak pa siya habang naglalakad.

Ngumiti ako.

Ganyan ba talaga kasaya ang ikasal sa taong mahal mo? Sana naman maranasan ko rin ang ganyan. Smiling and in the same time crying because of happiness. Pero kung hindi ko maranasan ang ganyang pakiramdam kahit ang maka-move on nalang.

Natapos ang kasal kaya nagpicture taking na. Isang beses lang yata ako sumali, tinawag ang lahat ng mga kaibigan niya. Doon lang ako sumali. Pagkatapos ng picture taking ay dumeretso na kami sa mansiyon nila. Malaki rin naman ang bahay nila Daisy pero mas malaki ang samin. Pumasok kami sa loob at dumeretso sa kanilang hardin. Nakahanda na roon ang mga upuan. Umupo kami sa may bandang likuran ng tinawag kami ni Mariel. Pinaupo niya kami sa table nila kaya lumapit kami run. Sa tabi ako ni Mariel naupo samantalang sa tabi naman ni Russel si Aira. They are going strong already?

Nagkaroon ng kaunting program. Pinagsalita pa ang mga pamilya nila. Ang mga magulang nina Daisy at Mannie.

Pagkatapos ng program ay kumain na kami. Alas-siyete ng matapos kami sa pagkain. Nagsisimula na ring mag-uwian ang mga bisita. Nang maubos ang lahat ng bisita ay nagpasiya silang pumunta ng pool at mag-inuman.

Doon ay umupo ang lahat ng barkada nila para uminom. Nakisabay nalang rin ako. Pati ang bagong kasal ay nakisama rin.

"Para sa bagong kasal!"

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon