Ikalabin-isang Kabanata

176 29 0
                                    


'Hindi ko sinasadyang sumilip'

"Talaga?"

Tanong ni Maia pagkatapos kong sabihin ang nangyari sa date namin ni Arthur.

"Pumayag ba siya?" Si Ruby

"Walang magagawa si Arthur kung ayaw ni Xandra sa kanya". Si Julia ang sumagot sa kanya.

"Hay ewan ko sayo Xandra. Anong klase ng lalaki ba ang gusto mo? Baka naman pang hollywood ang peg mo ha".

"Hindi naman. Wala pa lang talaga sa isip ko ang pagkakaroon ng boyfriend".

"Alam naman namin yun Xandra, pero kahit laro-laro lang muna. Hindi mo naman seseryosohin eh".

"Pwede ba Maia 'wag mo turuan ng masasamang bagay si Xandra, mas mabuti nga yung wala pa sa utak niya ang pagboboyfriend" si Julia

Tumahimik naman sila at hindi na nagsalita pa. Nagkwentuhan nalang kami ng ibang bagay hanggang sa matapos ang klase namin. Palabas na ako ng gate ng tinext ko si Arthur kung matutuloy pa ba ang plano namin. Hindi pa siya nakakapag-reply ng tinext ko rin si Mang Jeboy na wag na akong sunduin.

Hindi na siguro siya sisipot!

Okay lang. Maglalakad ako mag-isa, gusto ko talagang maglakad para makatingin sa paligid. Kabisado ko na naman ang daan pauwing mansiyon kaya okay lang. Sasakay nalang ako ng Tricycle kung magdidilim na.

Sinimulan ko na ang paglalakad. Habang naglalakad ako ay may nakita akong nagtitinda ng barbecue. Bumili ako ng dalawa at naglakad uli pauwi.
Nadaanan ko ang gate ng college tumingin ako dun at nakitang nagsisiuwian na rin ang mga estudyante.

Kumakain ako ng barbecue habang naglalakad. Hindi naman nakakatakot dahil may kasabay naman ako na pauwi rin siguro sa bahay nila. Tumitingin ako sa paligid ng may mapansin akong naglalakad rin sa likuran ko.

Tiningnan ko iyon at nakitang si Manolo ang nasa likod ko. Naglalakad siya habang nakatingin sakin.

Kinabahan ako, binilisan ko ang lakad ko ngunit napansin niya ata ang ginawa ko kaya bumilis rin ang lakad niya pasunod sakin. Binilisan ko pa ang lakad ko pero napatigil din ng nakita siyang sumasabay na sakin.

"Bakit ba ang bilis mo maglakad?" Tanong niya

"Ahhh"

wala akong maisagot sa tanong niya. Bakit nga ba? Kahit ako di ko rin masagot.

Bumalik na sa normal ang pagkalakad ko kaya ganun din ang ginawa niya. Magkasabay na kami ngayong naglalakad.

"Akala ko ba ihahatid ka ng manliligaw mo?"

Alam na rin pala niya ang panliligaw ni Arthur.

"Hindi ko alam. At hindi nanliligaw si Arthur".

Tumingin siya sakin.

"Alam ng lahat ang ginawa niya kanina sa senior high".

"I mean, pinatigil ko na siya sa panliligaw".

"Why?"

Hindi parin naaalis ang tingin niya sa akin.

"Kaibigan lang pagtingin ko sa kanya"

"That's good then"

Nakangiti siya habang sinasabi yun kaya napatingin ako sa kanya.
Nawala bigla ang ngiti niya sa ginawa ko.

"Wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend".

Tumango lang siya at tumingin ulit sa daan. Nakadikit parin ang ngiti niya sa mukha.

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon