Ika-siyam na Kabanata

187 33 0
                                    


"Be my slave!"

I can do this! I can do this! Kaya mo to Xandra! Paulit-ulit na alo ko sa sarili ko pero kahit anong gawin kong alo ay nangingibabaw pa rin ang takot.

Pa'no kung ipabugbog nila ako? Napahiya ko siya ng todo. Malamang galit na galit sila sa'kin lalo na ang Russel na yun.

Naglalakad ako ngayon sa tulay ngunit hindi ko makayanang tumawid dahil sa takot. Kahit anong pilit ng utak ko na pumunta ay ayaw humakbang ng mga paa ko.

Mayaman siya kaya, kaya niyang bumayad ng mambubugbog sa'kin.
Tumaas-baba na ang balikat ko. Naubos narin ang hangin ko sa katawan kaka inhale at exhale pero heto at nakatayo parin ako sa tulay, ni hindi man lang ako umusad ng isang hakbang.

Hindi pwede to! Kailangan ng matapos to!

Hahakbang na sana ako ng may makitang palapit sa tulay. Si Manolo, ang totoong Manolo palapit sa tulay. Umangat ang mukha niya paharap sa tulay at nakita niya ako.

Nanlaki ang mata ko at dali-daling bumalik sa building. Hindi ko na siya tiningnan at nagtago nalang sa pader ng senior high. Sumilip ako at nakitang wala na siya ron sa tulay.

Nakatawid na siguro!

Lumabas ako at pumuntang tulay para ituloy ang balak ng bigla siyang lumabas galing sa kung saan.

Lumapit siya sakin at tiningnan ako ng may pagtataka sa mukha. Pinilit kong iseryoso ang mukha ko pero hindi ko magawa, nangingibabaw ang kaba ko sa pangyayari.

"Are you alright?".

"O-oo. Nasaan nga pala ang mga kaibigan mo?".

Pinilit kong maging matatag sa kabila ng kaba ko.

"Nasa cafeteria sila".

"Thanks".

Umalis na ako sa harap niya at sinumulang maglakad papunta sa sinabi niya.

Nang makarating sa cafeteria ay nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para masabi ko ang gusto kong sabihin.

Inhale exhale ang ginawa ko ng paulit-ulit. Pumasok ako at nakita silang kumakain sa kanilang pwesto. Hindi nila ako nakita sa dami ng taong nandun. Lumapit ako at huminto sa harap nila. Napatingin sila sa kin ngunit tanging si Russel lang ang tiningnan ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?".

Tumingin siya sakin at ngumiti. "Paano kung ayaw ko?".

"Please, gusto ko lang humingi ng tawad".

Nasa akin ang atensiyon ng lahat.

"So, ikaw ang dahilan kung bakit napahiya si Russel sa buong campus? Ikaw ang nagbigay ng maling impormasiyon sa kaibigan mo?".

Lumapit sa harap ko ang girlfriend ni Russel.

"Tama na yan Martha".
Si Mariel ang nagsalita. "Bakit nga ba si Russel ang naituro mo at hindi ang totoong Manolo?".

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon