"If it is all about love, you deserved a new one... Someone better!""Halika, Miss Xandra"
Napabaling ako sa kanya. Kararating ko lang sa site ng makita ko silang nagkukumpulan.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Birthday kasi ni Engineer Reyes"
"Huh?"
"Si Astrid"
"Ganun ba? Sige kumain lang kayo. Busog pa ako"
Nagpatuloy naman sila sa pagkain. Nakita ko si Astrid na masayang kausap si Manolo. Nagtatawanan pa sila habang kumakain. They look perfect together. I wonder kung ilang taon na kaya silang magkasama sa trabaho. It's been six years, that means, 5 taon na silang magkasama. Kung ganun na kahaba ang pinagsamahan nila ay ganun na rin kaya kahaba ang relasiyon nila?
Umupo ako sa isa sa mga upuan doon. I keep myself busy sa pamamagitan ng pagsta-stalk kay Manolo. I tried to find him in facebook pero hindi ko mahanap ang account niya. Wala siyang account? Or maybe naka private ito.
"Xandra, sorry kung bumuo kami ng eksena dito, birthday ko kasi. Nagpakain lang ako. I hope that's okay with you?"
"Oo naman. Walang problema yun"
"Thanks. Gusto mong kumain?"
"Hindi na. Busog pa ako"
"Okay! Feel free to eat"
Tumango ako sa kanya bago siya umalis at bumalik sa kausap niya. Marami na ngayon silang nag-uusap. Mga kasama niyang engineer din.
He's happy with his life now kaya dapat maging masaya na rin ako para sa kanya. Nagpanggap siyang hindi niya ako kilala, siguro dahil gusto na niyang magsimula ng bagong buhay. Ang buhay niya noon na wala ako. Ang buhay niya noon na hindi niya ako nakilala.
Sumikip ang dibdib ko sa naisip. I deserved this. I left him without even telling. Kaya anong inexpect ko? Hahabulin niya ako ngayon? Luluhod siya sa harapan ko para balikan ko siya? Balikan? Really? As if naman naging magkasintahan kayo noon. Hindi mo nga siya naging boyfriend eh. That was only a mutual understanding but not in relationship dahil hindi ka naman niya talaga niligawan.
Alright enough! Oo na! Ako na ang tanga noon na umasa na may namamagitan samin.
Mahigit isang linggo na rin simula ng umuwi ako ng pilipinas. Pero feeling ko ay isang taon na ang lumipas. Eh halos, 3 beses nga Lang ako nakapunta sa site eh. Hindi naman ako kailangan roon. Kaya naman nila kahit wala ako run. Ano naman ang silbi ko run? I'm not even an architect there nor even the carpenter.
Nandito lang ako sa mansiyon buong araw at kung gabi naman ay nag babar kami nina Aira. Hindi ko rin naman siya pwedeng istorbohin dahil may trabaho siyang inaatupag.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.
"Anak! My gad! Kung hindi pa sinabi ng kapatid mo ay hindi ko pa malalaman na umuwi ka pala ng pilipinas"
"Ma! Biglaan din naman ito! Sandro ask me a favor kaya nandito ako"
"Hindi ka ba uuwi dito sa Santa Pladencia?"
"Tapos ano? Magkikita lang kami ni dad? No thanks!"
"Anak! Please forgave you father! Matagal na'yun. Kalimutan na natin yun"
"I know Ma, bigyan niyo lang po ako ng kunti pa panahon"
"I hope sa pagkakataong iyon ay kakalimutan mo na ang galit mo"
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomanceNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...