"Kasama ko ang boyfriend mo!"
Shit! Lowbat? Sinubukan kong i-on ulit ang phone ko ngunit ayaw na talaga nitong umandar. Kainis naman, ayaw pang makisabay. Hinanap ko sa bag ang charger nito ngunit hindi ko makita. I probably left it home, hindi naman kasi ako nasanay na nagdadala ng charger eh. Okay lang naman kasi dati na malowbat. I don't mind pero iba na kasi ngayon.
Tila yata napansin ni Julia ang paghindi ko mapakali kaya lumapit siya sakin.
"Anong problema? May naiwala ka ba?"
"Wala naman. Hinahanap ko lang ang charger ko. Naiwan ko yata sa mansiyon"
"Hiramin mo nalang ang akin"
Umalis siya sa harap ko at pumunta sa bag niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang charger.
"Salamat"
Dali-dali akong naghanap ng plug para maisaksak iyon.
"Bakit naman ganyan ka importante ang pag charge mo ng phone mo"
Napatigil ako sa paghintay na ma-on iyon. Oo nga noh? Bakit ba hindi ako mapakali ngayon na nalowbat ito? Gosh! I'm impossible.
"Ahm, baka kasi magtext si mama. Importante lang"
"Ganun ba?"
Mukha naman siyang naniwala sa sinabi ko. Hindi niya kasi nakikita ang mukha ko kaya hindi siya nagtaka.
Biglang tumunog ang phone ko hudyat na nagcharge na ito. Naka-on na rin yun. Tiningnan ko iyon at tama nga ang hinala ko. Isang message ang lumabas doon sa screen ko. Dali-dali ko iyong tinago, baka mag-usisa pa si Julia. Tiningnan ko ang text niya.
Manolo:
Good morning ;)
Napangiti ako sa text nayun. May wink pa sa huli.
Ako:
Good morning rin. Sorry late reply, nalowbat kasi phone ko. :)
Ngiti lang ang nilagay ko sa huli. Baka isipin pa niyang nilalandi ko siya.
Nagreply naman siya agad.
Manolo:
Okay lang! May klase kayo?
Ako:
Ahm, oo pero wala pa ang guro namin. Kayo?
Manolo:
I'm on the library, may ginagawa lang!
Ako:
With whom?
Manolo:
Don't worry! Ako lang mag-isa. Hindi ko kasama si Daisy.
Ako:
I don't worry. Parang nagtatanong lang eh! Wala naman akong pakialam sa kung sino ang kasama mo.
Manolo:
Really? Kaya ka ba nagalit kahapon dahil hindi kita kinakausap?
Lumaki na talaga ang ngisi ko.
Ako:
Naiinis lang ako kasi hin-
"Miss Morguise, I'm afraid that your violating a rule in my class" masungit na sabi ng teacher namin.
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomanceNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...