Ikatatlompu't-siyam na Kabanata

190 21 1
                                    

"Alexandra Morguise! Will you spend the rest of your life to me? Will you change your name to me...

... Will you marry me?"

"You may now kiss the bride"

Hinalikan ni Ralph si Maia pagkatapos sabihin iyon ng pari. Tumili ang mga bisita dahil dun. 'Yung iba naman ay sumisigaw pa ng isa pa. Pagkatapos niyang halikan si Maia ay niyakap niya ito.

Natapos ang seremonyas kaya isa-isa ng nagpapicture ang mga pamilya at mga kakilala ni Maia. Ganun rin ang ginawa sa pamilya ni Ralph.

"You jealous?"

Napatingin ako sa katabi ko na ngumingiti habang sinasabi iyon.

"Hindi noh?"

Tinawag ng emcee ang mga kaibigan ni Maia kaya lumapit ako. Hindi na sumama si Manolo. Nanatili lamang siya sa upuan namin.

Pagkatapos ng pictorial ay sinabihan na ang bisita na dumeretso sa bahay nina Maia. Doon daw kasi ang handaan. Ayaw ko na sanang pumunta kaso ayaw ko namang magtampo si Maia kaya pumunta na kami. Hindi kalakihan ang bahay nila Maia ng makarating kami dun. May maliit din sila na bakuran na kung saan ang reception area. Pumwesto kami sa bandang likod para hindi naman kami makaagaw ng atensiyon. Kasama ko sa upuan si Julia, Julius, Ruby. Katabi ko naman si Manolo na walang ibang ginawa kundi ang titigan lang ako buong oras.

"Pwede ba, 'wag mo'kong titigan!"

"I can't! Iniisip ko lang kung ano ang itsura mo kapag ikaw naman ang naglalakad sa harap ng simbahan"

"Ewan ko sa'yo!"

Nagkaroon ulit ng kaunting program. Isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga kakilala ni Maia at Ralph pati na rin ang kanilang pamilya. Kahit na kami ay hindi nakatakas sa emcee. Tinawag kami at pinapunta sa harap para magbigay ng mensahe.

"I just want to say 'congratulations!' Dahil sa wakas ay natupad na rin ang pinapangarap ng bawat babae. Ang makasal sa lalaking mahal nila. Kaya sana, alagaan mo ang kaibigan namin. Kahit na bungangera yan ay sobrang bait at ganda niya"

Nagtawanan sila kaya sandali muna akong napatigil sa pagsasalita. Nang tumigil na sila sa kakatawa ay pinagpatuloy ko ang pagbibigay ng mensahe.

"Naalala ko pa noon. Na ako dapat ang makakadate ni Ralph dahil nanalo siya sa palaro namin. Pero hindi ako sumipot kaya si Maia ang napilitang pumunta"

Ngumiti ako at tumingin sa kanila.

"I am thankful na hindi talaga ako sumipot noon dahil hindi iyon para sakin kundi para sayo. Congratulations!"

Binigay ko na ang mic sa emcee. Kinuha naman niya iyon at nagtawag ng iba pang magbibigay ng mensahe. Bumalik ako sa upuan ag nakitang abot tenga na ang ngiti ni Manolo.

"Pangarap ng bawat babae? Ang makasal sa taong mahal nila?"

Napatawa ako.

"Sinabi ko lang yun para gumanda ang speech ko"

"Really Xandra?"

"Bakit ba?"

"Do you really wanna to get married?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Gusto ko ba talaga? Oo naman siyempre. Then answer him!

"Oo naman! Pero hindi muna ngayon!"

"Alright!"

Hindi na kami nag-usap tapos nun. Nanood nalang kami sa kanilang palaro. Sumali rin ako ng tinawag ng lahat ng mga babae para sa bouquet catching. Naging, ugali na talaga ng mga tao na hinahagis ang bulaklak pagkatapos ng kasal. Naniniwala kasi sila na kung sino man ang makakasalo ng bouquet ay ang susunod na ikakasal. Hindi naman ako naniniwala doon. Pero sumali parin ako at sinubukang saluin ang bouquet.

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon