'Say it again, Please!'Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Tila yata hindi niya inaasahan na sasabihin ko yun sa kanya.
"Napilitan akong maglakad sa madilim na daan na ito kagabi ha? Alam mo ba yun? Kahit na takot na takot ako ay naglakad pa rin ako"
Patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ko.
"Kahit natatakot ako na baka may makasalubong akong aswang o white lady ay hindi ko yun inalintana"
Natawa siya sa sinabi ko. Maya-maya ay lumapit siya sakin at niyakap ako. Sinubukan kong itulak siya pero mahigpit ang yakap niya sakin. Kaya kalaunan ay tumigil ako at umiyak nalang sa dibdib niya.
"Ang sama-sama mo! Bakit mo ako hinusgahan agad?"
"I'm sorry!"
Nakayakap pa rin siya sakin. Nakayakap na rin ako sa kanya. I always dream this, to be on his arms. Ang maramdaman kung gaano kasarap ang mayakap siya.
"Stop crying!"
Natatawa pa siya habang inaalo ako.
"Kasalanan mo! Alam mo ba kung gaano ako katakot kagabi habang naglalakad ako, umiiyak pa ako dahil baka may makita akong aswang"
Tumawa na naman siya. Namumuro na talaga ang lalaking to sa katatawa.
"Bakit ka ba nagsinungaling sakin? Galit ka ba sakin?"
"I'm not angry with you, I was mad at you. You made me fall tapos malalaman ko nalang na may boyfriend ka"
"Hindi ko nga siya boyfriend"
"How would I know? Ni hindi ka na nga nagtext sakin ng gabing yun. Tapos, nakita ko pang sweet kayo habang nagyayakapan. Sa palagay mo ba hindi ako maniniwala sa sinabi ng kakambal mong boyfriend mo siya?"
"Sana man lang nagtanong ka sakin. Hindi yung iiwasan moko. Hinayaan mo pa akong maghintay ng matagal"
"Akala ko hindi moko hihintayin ng matagal because you have a boyfriend waiting for you!"
"Hindi ko nga siya boyfriend eh"
"Alright! I'm sorry! Naiinis lang naman ako sayo dahil dumating lang ang taga-maynila na yun, nakalimutan mo na ako".
Napayakap ako sa kanya. Tila ba ako na naman ang ayaw bumitaw sa kanya.
"Never! Hindi kita kayang kalimutan kahit na dumating pa si Kin"
"Okay, okay".
Natatawa pa siya habang niyayakap na naman ako pabalik.
"So this means? You like me too?"
Tanong niya bigla ng magbitiw kami sa pagyayakapan.
Tumango ako.
"When?"
"Simula pa lang ng makita kita noon sa ilog. Hindi ka na maalis sa isipan ko"
"Talaga?"
Tumango ulit ako. Hindi ko siya matingnan sa mata. Nahihiya ako, I can't imagine myself confessing into a boy.
"Look at me. Xandra, tingnan mo'ko"
Hinila niya ang baba ko paharap sa kanya.
"Say it again, please?"
Lumunok ako at naglabas ng buntong hininga. Hindi ko talaga siya kayang tingnan sa mata. Nahuhulog ako masyado sa mga titig niya.
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomansaNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...