Mistaken Identity"What?".
Napalakas ang boses ko ng marinig kay Aira 'yun.
"Shhh".
Saway sakin ng mga estudyanteng nagbabasa. Tiningnan nila ako ng masama.
Nasa library ako ng biglang tumawag si Aira. Sinabi niya sa'king papunta na daw siya ng Santa Pladencia at ilang oras nalang ay makakarating na siya.
"Bakit naman pabigla-bigla?".
Hininaan ko na ang boses ko para hindi maka-istorbo sa mga nagbabasa.
"Hello Xandy, I already told you na pupunta ako diyan one of this days".
"Oo pero hindi mo naman sinabi na bigla-bigla ay pupunta ka, nagsabi ka man lang".
"I did! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?".
"Oo! Nagsabi ka nga pero papunta ka na".
Hindi parin ako maka-move-on sa sinabi niya.
"ilang oras ka na bang nagbabiyahe?". Tanong ko.
"I dunno, 4 hours maybe".
Shit! Ilang oras nalang at makakarating na siya dito. Ni hindi ko pa nahahanap si Manolo kung nasaan siya ngayon.
"Ouh sige, tatawagan nalang kita mamaya kapag nakarating na ako".
Pinatay niya ang tawag.Nakatunganga pa rin ako habang nasa tenga parin ang cellphone. Nang mabalik sa ulirat ay pinagpatuloy ang pagbabasa ngunit wala ng pumapapasok sa isipan ko. Hindi ko na naiintindihan ang mga binabasa ko.
Nalamon na ni Aira ang isipan ko.Binalik ko nalang ang libro at tuluyan ng lumabas sa library.
Bakit kaya biglaan ang pagpunta ni Aira dito?
Yan ang tanong sa utak ko habang naglalakad ako pabalik sa room. Nang makarating ay pumasok ako sa loob at umupo sa upuan. Abala pa rin ang isip ko sa pag-iisip ng ibang bagay ng kalabitin ako ni Maia.
"Hoy, ano bang nangyari? Bakit ka ba tuliro?".
Napatingin ako sa kanya. "Hah? Hindi ah!". Deny ko sa sinabi niya.
"Anong hindi? Kanina pa kita tinatawag, sumakit na ata ang lalamunan ko katatawag sayo".
"Sorry, hindi ko narinig!".
"Anong hindi narinig? My gad Xandra. Halos nangibabaw na ang boses ko hindi pa rin narinig? Ano ba kasi ang iniisip mo?".
Nakaupo na siya ngayon sa harap ko. Bigla namang lumapit si Julia at Ruby para mag-usisa sa usapan namin.
"Wala! Pupunta kasi dito ang kaibigan ko sa maynila".
Kwento ko."O? Ano naman ngayon?".
Tanong ni Ruby. "Ayaw mo sa kanya?"."Hindi naman. Pupuntahan niya kasi ang boyfriend niya dito".
"Ha? Sino naman?".
Si Maia ang nagtanong.
"Si Manolo".
Nanlaki ang mga mata nila sa narinig.
"Sigurado ka Xandra? Manolo? You mean Manolo Arrejas?".
Tumango lang ako.
"Sigurado ka Xandra? Dahil sa pagkaka-alam ko may nobya si Manolo".
si Ruby.
BINABASA MO ANG
Pwede Pa Ba? (Completed)
RomanceNapilitang lisanin ni Xandra ang Maynila at mag-aral sa Santa Pladencia National High School, isang probinsiya kung saan niya makikilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang damdamin. Si Manolo, isang trabahante sa kanilang hacienda pero hindi iyon...