Ikadalawampu't-isang Kabanata

149 24 0
                                    


"Paano ko naman makakalimutan yun eh, doon kita sinimulang mahalin"

"Bakit ka napadpad dito sa Santa Pladencia?"

Nandito na kami sa mansiyon. Kararating lang namin ng tanungin ko siya. Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa mga pangyayari. Nandito siya? I thought, may tampo pa siya sakin? Ano na kaya ang iniisip ni Manolo? I remember his reaction kanina. Nabigla din siya katulad ko.

"Xandra!"

"Kin?"

Naglalakad siya palapit samin. Anong ginagawa niya dito?

"Why are you walking? May sasakyan naman kayo ah?"

Lumapit siya ng tuluyan sakin at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw dahil pagkabigla sa pagdating niya.

"I missed you. Alam mo ba yun?"

"Let's go".

Naunang naglakad si Sandro papasok ng sasakyan kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Tumingin ako kay Manolo at nakitang nabigla rin siya. Nakikita ko rin sa mukha niya ang pagtataka. Tumango siya ng makita akong nakatingin sa kanya.

Hinila na ako papasok sa sasakyan ni Kin kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam kay Manolo. I will text him nalang.

"To see you. Of course"

"Bakit?"

"Aira, told me anything. Sa kung anong nangyari sa pagpunta niya dito"

Tumango ako.

So he knew? Alam na niya ang kagagahan ko dito? Alam na niya kung paano ko napahiya si Aira.

"Gusto ko rin mamasyal dito. Nakita ko kanina na maganda ang mga tanawin dito. I want to check"

"Maganda naman talaga dito"

Bigla kaming natahimik. Walang gustong magsalita. Hindi ako mapakali kaya inikot ko ang mata ko mansiyon. Nakita kong naliligo sa swimming pool si Sandro.

"Gusto mong maligo? Maligo tayo"

Aya ko sa kanya para patayin ang nararamdamang awkward sa isa't-isa.

"Sige"

Sumali kami kay Sandro sa paliligo. Nagtatawanan kami dahil sa kakulitan ni Sandro kaya nawala sandali ang awkwardness namin ni Kin.

"Good to see you here, Kin!"

Kumakain na kami ng hapunan ng sinabi iyon ni mama.

"Opo. Gusto ko lang makita si Xandra"

"Well, that's good to hear. Mabutin naman at naisipan mo dahil bored na bored na siya dito sa probinsiya"

"Ma? Hindi po"

Tumawa lang siya sakin.

"Anong oras ka ba dumating dito kanina?"

"Mga alas tres po ng hapon. Kaso wala pa pong tao dito kaya sumama ako sa driver sa pagsundo sa kanila"

"Oh, I'm sorry kung wala kang naabutan dito kanina. You know, business"

"Okay lang po. It's my fault, hindi ako nagsabi na pupunta ako"

"So? How many days are you planning to stay here?"

"Dalawang araw po. Uuwi rin ako lunes ng umaga"

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon