Ikadalawampu't-apat na Kabanata

156 21 5
                                    


"You're not a good kisser... I like it"

"Magandang araw po"

Bati ko galing sa labas ng bahay nila Aling Lordes.

Lumabas siya na may dala-dalang walis.

"Naku senyorita, magandang umaga. Ano ang sadya ninyo?"

"Ipapaalam ko lang po sana si Maymay na sa mansiyon muna kami ngayong araw"

"Naku ganun ba? Saan na ba ang batang yun? Maymay?"

Tawag niya. Maya-maya ay lumabas ito galing sa likod. Lumapit siya sakin, at yumakap.

"Naku, hindi ka pa pala nakapag-ligo. Papaliguan ko muna sandali senyorita".

Tumango lang ako kaya kinuha niya na si Maymay at dali-daling pumasok sa bahay. Nang makapasok sila ay siya namang paglabas ni Manolo. Bagong siyang ligo basi na rin sa basa niyang buhok. Naaaamoy ko pa ang pabango niya.

Nagtaas ako ng kilay. Palapit siya sakin ngayon habang ngumingiti.

"Saan ka pupunta?"

"Wala. Dito lang!"

"Talaga lang ha! Bakit ang bango-bango mo?"

"Bakit? Bawal bang bumango?"

Natatawa na siya. Niyakap niya ako. Tumingin ako sa loob ng bahay nila baka biglang lumabas ang magulang niya. Makita pa kami sa ganitong posisyon ay baka kung ano pa ang isipin.

"Baka makita tayo ni Aling Lordes"

Tumawa lang siya pero binitiwan naman ako.

"Sa mansiyon kayo?"

Tumango ako.
"Ipapasiyal ko lang siya run"

Siya naman ngayon ang tumango.

"Ikaw? May pupuntahan ka?"

"Wala, may gagawin lang ako. Tatapusin ko ang thesis namin"

"Ganun ba? Sige! Tamang-tama at hindi ako manggugulo ngayong araw"

"Yeah, simula ng dumating ka ay gumulo na ang buhay ko. Pati puso at isip ko ginulo mo"

Kinurot niya ang ilong ko dahilan kung bakit pumula iyon.

"Nakakainis ka naman eh, tingnan mo tuloy"

"I like it that way"

"Ano? Mukha akong si Rudolph nito"

"Rudolph?"

"Oo! Yung raindeer ni Santa"

Kinanta ko pa iyon dahil mukhang hindi niya kilala si Rudolph. Natawa naman siya sa kanta ko.

"Kung anong-anong naiisip mo"

Kinurot niya ulit iyon kaya napasigaw na ako. Pumula na ng sobra kaya napaiyak ako.

"Tingnan mo ang ginawa mo"

"Sorry"

Hinalikan niya ang ilong ko dahilan kung bakit naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanlalaki rin ang mata ko. Nabigla ako sa ginawa niya, Akala ko ay hahalikan niya ako.
Tumawa siya ng makita ang reaksiyon ko.

"Kainis ka talaga" sinapak ko ang balikat niya.

"Wag kayong masyadong magpa hapon. May pupuntahan tayo!"

Pwede Pa Ba? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon