Chapter 22

1.2K 77 30
                                    

Her eyes roam the whole interior of the car, 'yung kotse mismo ang nakaka-amaze kahit na hindi ito naka-personalized, si mommy kasi, kuripot.

I bat my eye infront, sinubukan kong mag-focus sa pag-dadrive, takot ko lang na mabangga kami, kaya lang 'yung ngiti ko abot hanggang langit at 'yung ganda niya nakakadistract, hindi ako makapaniwala nandito siya kasama ako at pumayag siyang lumabas kami.

"GG, bro ang yaman mo naman drug lord ka ba?"

Muka ba akong drug lord, ganda ko naman.

"Medyo adik ako," bulong ko. "Adik sa'yo."

I nibble my bottom lip, hindi niya ata narinig 'yun, dahil patuloy lang siya sa pag-abala sa sarili. Inisip ko nalang tuloy kung saan ko ba siya pwedeng dalhin, nang makarating kami sa unit ko ay nagbihis kaagad ako, mabilis lang naman, ayoko kasing paghintayin.

"Whoa wait saan tayo pupunta? Bihis din ako!"

Mukang kailangan niya ngang magbihis as I take in her appearance, she's wearing sweatpants at sobrang layo ng porma ko sa porma niya. Tumango nalang ako, may naisip na kasi akong lugar kung saan siya dadalhin, for a twenty year old lady, abnormal na ba ko kung sabihin kong excited ako sa unplanned date na ito? I felt extreme jitters, whole body!

Bago pa man kami makapasok ay pinigilan niya na ako. "Papasok ako dyan? Sa kwarto mo?" she asked, tila kabado niyang sabi.

Amused, my lip just curl up in an annoying manner, parang timang na bata kasi. Tanong ng tanong.

"Papasok ka ba o ano?"

"Eto na papasok na pero sure ka ba talaga—" I pulled her inside, my plan is just to pull her inside and not to pin her against the door pero 'yun ang nagawa ko, nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon titigan siya ng malapitan.

Her grin stops me.

"Hindi ko alam na may tinatago kang pagka-wild babe." Aniya at bigla nalang akong hinalikan sa gilid ng labi ko. Dahil sa gulat nanlaki ang mata ko. I wasn't expecting that kiss.

"Jesus..." I mumbled.

Her laugher echoed inside this four walls. "Nagdadasal ka ba? LUHOD!"

Marahan niya akong tinulak upang tuluyang makita ang kwarto ko. Ako naman ay tuluyang nanigas sa kinatatayuan ko. She kissed me. Ramdam ko 'yung labi niyang malambot na dumampi sa balat ko.

Rinig kong napamura siya. At may gana pa siyang maglibot sa kwarto ko! Bakit hindi niya nalang ako halikan ng deretcho? Wala namang masama kung i-cancel namin ang first-official- date namin.

Iling na sinundan ko na lamang siya, ramdam ko ang init sa pisngi ko.

Bigla akong hinila ng katamaran kaya tinuro ko nalang kung nasaan ang walk-in closet ko at hinayaang bumagsak ang sarili sa bedsheets.

"Fuck ang ganda dito." Mangha niyang sabi.

"Ako ang nag-design ng room ko, with my bestfriend of course."

Madaming pakalat-kalat na architectural models dito na ako mismo ang may gawa, hindi ako nagpapapasok sa loob ng kwarto dahil ayaw kong makita nila o ayaw kong masira nila ang mga gawa ko. Importante kasi sa akin ang mga gawa ko. 

Tinukod ko ang siko ko sa kama saka humalumbaba, gazing intently at her. Nakaka-tuwa kasing panoorin kung paano siya mag-react sa bawat bagay na makikita niya rito.

I immediately stood right behind her when her eyes landed on my medals, mga medalya ko 'yun na-naipon simula noong bata pa ako, dahil sa track and field.

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon