Chapter 24

1.3K 85 84
                                    

Gewang kaming naglakad ni Luisia papunta sa room na nakalaan para sa'min, hindi nakikisama ang susi!

Kanina ko pa hawak itong susi na inabot ni Fiona kanina, okay pa naman sana ako at hindi gano'n ka-tipsy kung hindi lang talaga kami nag one on one ng letcheng 'to.

Mag-yaya ba naman mag one on one, dahil busy raw ako lagi at walang time umuwi.

"Stand fucking still babe." Inis na sinandal ko siya samay pader habang sinusubukang buksan ang pintuan, tignan mo 'to, nakuha pa akong titigan imbis na tumayo ng maayos, pambihira.

"I'm okay, I'm okay, just dizzy," sabi niya gamit ang mahinang boses.

Mabuti nalang at nakikisama na sa wakas ang pintuan, nabuksan siya, yehey.

Anong pinto ba 'to? Never ko i-susuggest sa magiging mason ko. Ay wow, nangarap.

Pinagbuksan ko si Lui ng pintuan at pumasok naman siya kaagad, patawa-tawa pa.

Kanya-kanya kaming salampak. Good thing the room is just dimly lit.

Nang-mahimasmasan ako ay kinuhanan ko si Lui at ang sarili ko ng tubig. Iwas hangover tayo bro uuwi pa ako sa East.

"Thanks."

Hinalughog niya na rin ang malaking fridge, naghahanap siguro ng makakain nang may bigla siyang itaas na bote.

Aba putangina.

Mura ko sa isip.

"Look Ae-Ae! The bar..."

"Jesus, get that shit away from me," I hissed.

"Killjoy mo kamo, ano ba? Weak mo naman!"

I snorted, aba gaga 'to. Kung ipalaklak ko kaya sa kan'ya 'yan lahat? Ewan ko lang kung hindi siya mamatay sa sobrang kalasingan.

Kung iinumin namin 'yan, malamang hindi na ako aabot sa klase ko bukas.

"May pasok kaya ako bukas." I pouted.

Nagpapa-cute lang para tantanan niya ako. 

"Pwede ka namang magpahatid." Ngumuso rin siya.

Isang mahabang bugtong hininga ang pinakawalan ko. "Mas cute siya," bulong ko sa sarili.

Natawa ako. "We're acting cute when tipsy."

Then we laugh in unison at 'yun na nga, nag-simula nanaman kaming mag one-on-one, this time 'yung legendary The Bar naman.

May chaser naman kaso Smirnoff!

Suicide!

Ina-accompany lang kami ng mga lumang tugtugin.

Uhm I think 2012 songs pababa, nahanap lang kasi namin sa spotify 'yung album. 

So Bad by Iyaz is currently playing. Napapasayaw ako ng konti kahit naka-upo. Feel na feel 'yung vibes ng kanta.

"This felt good! Chill drinking with good music!" Tumungga ulit siya. "Damn ang init sa lungs, gan'to ba 'to inumin?? Hindi ba hinahalo 'to sa juice!?"

Seriously lungs?

"Gagi gan'yan talaga 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

Oo nga 'no?

Hinahalo ba talaga or...ah okay lang nakalahati naman na namin, ngayon pa ba kami magrereklamo?

Ini-straight ko ang shot ko, muntik na akong maduwal, this is the reason why I'm not fan of alcohol beverages!

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon