"Ate Ae." Pilit na inabot ako ni Anton, he's pulling the hem of my shirt, pouting. "Kanina ka pa po ikaw tulala Ate."
I blinked away my thoughts and smiled at him. "Halika baby, luto tayo lunch natin! What do you want to eat?"
"Bakit nga po kanina ka po ikaw tulala?"
I laugh at his jumbled words. At least may Po.
Kung alam niya lang.
Iniisip ko kung bakit ko pinaghihinalaan ang ate mo.
"Iniisip ko po kung ano pong ulam," magalang din na sagot ko sabay buhat sa kan'ya papuntang kusina. Siguro adobo nalang para madaling lutuin at baka mahulog pa si Anton sa ibabaw ng counter dahil sa kalikutan, ayaw kasi magpaiwan sa lamesa dahil pinapanood niya ako.
After maluto ay pinatikim ko kaagad kay Anton, hah, pasalamat siya cute siyang naghihintay. "Airplane coming thru! Open your mouth baby!" He excitedly opened his mouth kaya sinubo ko kaagad sa kan'ya ang sabaw matapos hipan.
"Okay ba?"
I waited for his final verdict, pinag-iisipan niya ng matagal bago siya ngumiti.
"Sarap! Ate Ae-Ae!"
Gosh, his dreamy eyes is what got me head over heels, kaya nauuto ako ng batang ito minsan eh.
"Sana all, masarap."
Sabay kaming napalingon sa Ate niyang bagong gising, dumantay muna ito sa counter at tinignan ako ng masama bago hinuli si Anton at kiniliti.
"Ate! Sarap luto namin!"
"Oh? Weh? Ikaw luto niyan? Tikim."
She leaned closer to me, her hands grabbing my waist, she pulled me close enough that our body collided. Mabilis ko siyang sinubuan upang patikimin ng niluto.
"Wow!" O.A siyang nag-react kaya tuwang-tuwa si Anton sa kan'ya, napangiti nalang ako. Duh, masarap talaga ako magluto.
"Baby! Ang sarap nga! Very good!" Sabay halik niya rito.
Lumipat naman ang tingin niya sa akin, ang kaninang busangot niya ay wala na. Someone got a good sleep.
"Kiss din kita, very good ka rin!"
And we continued our day as if I didn't see anything earlier.
We played car racing sa PlayStation ko dahil 'yun ang gusto ni Anton, nasa gitna namin siya at hindi niya alam kung sino ang kakampihan sa amin, the whole time we were just laughing. Anton is just too cute to handle. I wish we could be this happy forever.
Forever? I might be asking for too much.
Mukang malabo ata 'yun, I knew I would let her go easily and just stare at her like what I'm doing right now. Ang sarap makinig sa magkapatid while Ahiera's explaining how fast the car could go - speed and stuffs, hindi pa rin nawawala sa kan'ya ang pagiging adik niya sa mga mabibilis na bagay at ang pagiging sporty, pasimple kong inabot ang kamay niyang nasa likuran ni Anton, intertwining it. She just look at me for a brief second, giving me a subtle smile and squeezing my hand a little.
One smile and I know I'm so done. Napakaduga.
I realized, nangyare na ang ganitong scenario dati. Shiro is just a little kid back then, ngayon, binata na raw siya, ayaw na ngang magpalambing! Time flies so fast.
Naghanap ng inumin si Anton, ayan nasobrahan sa pag-enjoy sa racing nauhaw, grabe.
Ako na tuloy ang nag prisintang manguha, nagtimpla na rin ng juice habang pinapanood sila mag-race, ngayon ko lang napagtanto - being competitive runs in their blood, bumubusangot kasi ang muka ni Anton kapag natatalo at hindi ka titigilang yayain sa isa pang round hanggat hindi siya nananalo. Ang Ate niya, ayon inaasar pa, she keeps rubbing her ass on her brother's face hindi nagpapatalo. Poor baby Anton.
BINABASA MO ANG
East
Romance[COMPLETED] Once upon a time she's in love with me, and billion of years later she wasn't sure enough to hold me still. [Everything about sunrise, sunsets and this coffee lover girl.] GxG © incrappyedge_ 2020