"Eto lang kailangan mo?"
Napangiti ako habang pinapanood si Ahiera na ilagay ang mga gamit ko sa loob ng kotse. Tinutulungan niya akong mag-ayos ng mga kailangan ko for a week business trip.
"Ikaw lang, kailangan ko," banat ko.
Agad siyang napangiti, kagat labing kinurot niya ako sa tagiliran, hindi naman masakit — natatawang inakbayan ko tuloy siya papasok ulit sa loob ng unit ko. Ayoko sanang sumama sa business meeting slash seminar dahil matagal ang one week, hindi nanaman kami magkikita ng bwisit na 'to.
I checked my fridge, marami pa namang laman, kaka-grocery lang namin ni Heira, pa'no ang takaw niya! Kung hindi kami bibili ubos stock ko sa isang araw. "You have spare keys, madami pang stock dito sa fridge kumain ka kung gusto mo, bukas kwarto ko gamitin mo din kung gusto mo, please please wag mo na ulit ipa-tow si viper I'll call you everyday—"
"Opo nay."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay nak," I mocked. Sumimangot naman siya ngayon, oh, bakit siya sisimangot nauna siyang mang-asar diba bugok ampucha.
"'Wag mo na nga akong bilinan, double check mo nalang gamit mo, okay na ba?" I smiled contentedly before looking at her, busy siya gawaan ako ng sandwich kaya hindi niya nakikita kung gaano kalawak ang ngiti ko ngayon, aasarin niya nanaman ako 'pag nagkataon.
Tahimik akong lumapit sa kanya habang busy pa rin siya, wrapping my arms around her tummy, pakiramdam ko may humahaplos sa puso ko, I just felt calm and relaxed.
"Bawi ako next week." I inhaled her scent, ang bango naman niya, araw-araw siyang mabango sa totoo lang, kahit minsan pawis, life's unfair.
Hinarap ko siya. "Anong oras ka susunduin ni Fio?" tanong ko, may inuutos nanaman kasi si coach sa kanila.
Her smile faltered for a second bago ibinalik ang ngiti niya.
I noticed that, that was her reaction whenever I mention Fiona, what's up with her? Alam ko close na sila ahh, hindi naman na siya inis do'n tulad ng dati.
"Fio? Kung maka-Fio parang close ah!" Tinawanan niya ako, oo nga pala, hindi niya alam na magkakilala kami, oh God I'm so so so in trouble kapag nalaman niya. "Maya-maya siguro, nandito na 'yun."
As if on cue, may bumusina sa labas. Si Fio 'yun panigurado, tunog palang ng sasakyan mamahalin na.
Ako na ang nagprisintang magbukas at tila nagulat pa ang bisita namin, napatingin sa phone niya na parang may chine-check.
"You have a flight, Ae," bulong niya saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob na akala mo inimbita ko, kibit-balikat nalang akong sumunod sa kan'ya saka bumalik sa pagkakayakap kay Ahiera at sinilip ang ginagawa niya mula sa likuran.
She stiffens.
"H-hoy may b-bisita," saway niya sa 'kin, tinanggal niya ang braso ko. Kunot-noong kumuha nalang ako ng tubig upang alukin si Fiona.
"Bakit daw kailangan kayo ni Coach?"
Nagpalitan ng tingin ang dalawa dahil sa tanong ko. Si Fiona ang sumagot, "We're...going to buy some equipments."
Matagal kong tinignan si Heira bago siya tinulungang magligpit sa kusina, habang si Fio naman ay pinapanood lang kami — kami? 'Di ko sure.
"Uhm Fiona, si..." bitin niya sa sinasabi niya habang nakatingin sa akin na para bang nanghihingi ng permisong ipakilala ako, I nodded.
"Si Ae nga pala." Pakilala niya. "'Yung tumulong sa 'yo last time s-sa party," dagdag niya pa.
Ugh parang hindi kami magkakilala ah? Umakto nalang tuloy kaming parang hindi magkakilala.
BINABASA MO ANG
East
Romance[COMPLETED] Once upon a time she's in love with me, and billion of years later she wasn't sure enough to hold me still. [Everything about sunrise, sunsets and this coffee lover girl.] GxG © incrappyedge_ 2020
