Chapter 21

1.2K 94 44
                                    

"Ahiera! Can we talk?"

Akala mo may hinahabol kami sa bilis ng paglakad namin, mahirap na bang makinig ngayon? Hindi naman ako pumatay para iwasan niya.

Hindi ko na siya sinabayan pa nang mapansing binibilisan niya talaga upang hindi ako makasunod, hinayaan ko siyang umakyat lang sa bleachers na nagmamadali habang ginagamit ko ang oras ko para mag-isip ng sasabihin, naglalakad lang.

I won't tire myself just to avoid someone tulad ng ginagawa niya ngayon.

"Ano bang nagawa ko?" I asked when I finally reach her.

Patapos na siyang mag-ayos ng gamit at padabog lahat ang galaw niya. Galit nga.

Bungol pa naman ako manuyo!

-oh wow...

My mouth gape open when she strips infront of me to change. Nilihis ko kaagad ang tingin ko, namumula ako for sure, si Ahiera? Sa harap ko? Nailang ako bigla, kahit sanay naman na akong may gumagawa no'n sa tagal ko rin sa track. Ang hot lang kasi.

Those...abs and sexy shoulders.

Ang ganda sa mata sarap i-drawing-okay stop fantasizing!

Na-distract ako, may kinalkal ulit siya sa gymbag niyang kasya isang buong team, kumakalansing pa ang ibang mga baton pang-relay, hindi mapagkakailang team captain ang isang 'to.

Tinitigan ko lang ang ini-aabot niyang susi sa akin, hindi ko naman kasi kailangan iyon, nandito ako para kausapin siya! Hindi para kuhanin 'yan ngayon, ano? Hatiin ko sarili ko 'te?

"Oh, susi mo, salamat." Abot niya ulit sa akin ngunit hindi ko tinanggap.

Tinignan niya lang ako nang hindi ko inabot at nilagpasan ako. Ang sungit! Bugtong hiningang napatingin ako kila coach, napapahiya pa ako ahh, gosh, tanging tango nalang tuloy ang binigay ko kay coach nang makita niya kami mula sa baba, si Fiona naman ay nakipagtitigan pa muna bago umiwas ng tingin.

Hinayang na nag-cooldown ito.

Nakakaguilty man dahil ang unfair kay Fio, sinundan ko nalang tuloy ulit 'yung masungit, sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng field. I can't understand her, may nagawa ba ako?

"Ano bang kailangan mo?" tanong niya.

Walang gana ang boses, hindi ko alam kung anong nangyare sa kan'ya after ko umalis doon sa club. Ang alam ko lang safe siyang nakauwi. Does something happened while I'm away?

Sabi ko na nga ba dapat pinabantayan ko kay Fabio-eh baka naman lalong magagalit-sabagay.

Hindi na ako nagsalita pa pinabayaan ko nalang siyang padabog kung maglakad, tahimik ako hanggang sa makaabot kami sa dorm nila. Galit ba talaga siya sa'kin?

Labag man sa loob, masama ang tingin niyang pinapasok ako sa dorm nila na sobrang gulo, nagulat talaga ako sa nadatnan.

As in.

Gulo-gulo ang lahat, kahit saan ako tumingin.

"Anong nangyare rito?"

Huling beses na nagpunta ako dito sobrang ayos nitong room nila.

Padabog nanaman kung ilapag niya ang gamit niya. "None of your business."

Ouch. None of my business.

"Sabihin mo nalang kung anong sasabihin mo," walang intro niyang sabi.

Ayokong gan'to kami kung mag-usap.

She's mad.

There's no way I would talk to her in this state.

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon