Chapter 4

2.7K 125 32
                                    

Shiro and I took our time playing at the mall, kumain na rin kami at dahil magsasarado na sila ay inaya ko na siyang umuwi. 

Dala-dala ko ang maraming paper bags para sa kan'ya. I don't mind spending money on him lalo na at nakikita kong tuwang-tuwa siya sa paglilibot. Meron din ditong isang paper bag galing Nike, we bought a black cap for that eastern girl. Sabi ko hindi naman namin siya kailangan bilihan because we wouldn't cross paths anymore but he insisted, hindi nalang ako nakipagtalo sa bata. Ako nalang ang gagamit if ever. 

"Shiro picture tayo."

He run back to me and smiled at the camera, we look like siblings! Ang cute.

"Tara na ngaaa." I ruffled his hair and smiled.

Sa byahe tahimik lang kami. Tanging yung radio lang ang nag-iingay, we've been laughing din kasi, halos pinasukan namin lahat ng palaruan sa mall.

"Ate? Anong pangalan mo?" 

Nginitian ko siya, alam kong hindi ko siya maiiwasan ngayon sa tanong niya. 

Kung bakit ayaw kong sabihin ang pangalan ko? Simple, they will eventually forget about me sooner or later.

That girl is lucky, at least she doesn't have to know my name, nakaalis na siya. Ayoko ngang pinagkakalat ang pangalan ko 'no! Knowing someone's name will just get you so attached with the person, a deeper meaning. Ayokong ma-attach, ayokong ma-attach sila sa'kin. 

There, I told him my name. I don't have a choice.

Pakiwari ko pa nga ay lumiwanag ang muka ng bata sa tuwa. Jeez, what a weirdo. 

It was a good 10 minute ride home. 

My phone rang. Hindi ko ma-recognize ang number dahil isa itong international number. 

"Sweetie..." Si mommy ang tumawag. 

"Mom? Bakit?" Hindi ko alam na nasa ibang bansa siya, hindi man lang ako sinabihan. 

"Bakit ka nagwawaldas ng pera anak?" I rolled my eyes. Sabi ko na nga ba, akala ko pa naman na-miss na ako. 

"Bakit kayo nasa ibang bansa Mom?" I could see her rolling her eyes too. "Who's with you?" I added while maneuvering the car.

"Colai and your Dada." Colai or Nicolai is my cousin, nakasama ko sa paglaki 'yun dahil parang inampon na siya nila Dada. Parang kapatid ko na talaga. He was younger, two years. 

"Fine maduga suspende—" Nahagip ng mata ko ang babaeng nasa front door ng condo ko. "Mommy I'll call you back." 

Mabilis akong bumaba sa sasakyan at pinuntahan kaagad siya. Napag-alaman kong may umiidlip pala. She sat there leg crossed, crossed arms and earphones on. 

Tinanguan ko si Shiro na pumasok na siya, dala niya na rin ang mga paper bags. Ilang minuto na ba siyang nandito? Bakit siya nandirito? Damn with this woman. 

Hindi niya talaga ako titigilan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya ano? Persistent sisz.

Umupo ako sa tabi niya, just silently looking at the sky. 

"High all the time to keep you up my mind.

Ohh ohh ohh ohh

Spend my days locked in a haze."

Naririnig ko mula sa kina-uupuan ako ang naka-play sa music niya, Habits by Tove Lo. Nice.

Pansin kong nakapagpalit na rin siya ng damit. She's wearing Nike gray hoodie, faded ripped jeans, and nike socks. Hinanap ko kaagad sa paligid ang sapatos niya at halos masapo ko ang noo ko, Nike shoes. She looked like a Nike endorser para sabihin ko sa inyo. And her radiation glasses complimented her face too. 

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon