Chapter 28

1.2K 71 19
                                    

[2 years later]

"Happy birthday, Ae!"

Halos nakapikit na ako sa sobrang pagngiti.

Everyone cheered for my birthday, their wine glass toasting, hands clapping, masaya.

Masaya ako, but not totally.

This year could either be a year about my success or failure in my career, malapit na akong mag-take ng board exam, isang buwan nalang ay matatapos na rin akong mag-review.

"Ae!" Rinig kong tawag sa akin ng girlfriend ko. Geez, at least she came.

Nakahinga ako ng maluwag.

Ahhh yes, that's right, girlfriend.

Pinanood ko siyang masayang nakikipagsiksikan sa mga bisita ko na pakalat-kalat para lang makarating sa kinatatayuan ko, malaking ngiti ang dala niya, yakap ang sinalubong niya sa akin.

"Ahiera, thank God you came!" 

Laking pasasalamat ko dahil nakaabot siya sa party rito sa North na ginaganap samay tapat lang ng bahay namin, unfortunately pinasarado ang daanan at nandito kaming lahat sa kalsada kung saan naka-set up ng maayos ang party, may mini set-up stage sa gilid kung saan tumutugtog ang soloist na inimbita nila mommy for the night, hindi gaanong magara, hindi ko rin masasabing simple, sakto lang.

Hindi lang naman birthday ko ang cine-celebrate ngayon. May isa pang importanteng okasyon.

"Oo nga! Buti at dinaanan ako ni Fiona!"

Out of nowhere sumulpot si Fio. Speaking of she devil!

Nakangisi itong lumapit sa 'kin.

"Happy birthday, my gift's already inside."

"Thank you, Fio." I'm not only thanking her for her birthday greetings or gift but also for picking up Heira, kasi naman, busy ako mag-asikaso rito! Hindi ko talaga kayang sunduin ang baby ko!

Umalis na rin naman si Fio pagtapos bumati, leaving me with my girl, ahh she's like a daydream! Kinikilig pa rin ako kahit na mag-da-dalawang taon na kami — nag freak-out nga lang siya nang malaman niya kung sino talaga ako at ilang linggong suyuan ang nangyari noon.

Being a Del Pierro also has its disadvantage, natiis niya ako!

"So..." she trailed. "Birthday gift mo..."

"Birthday sex?"

Her eyes widened. "Tangina, pwede rin."

Bumulong pa siya ng 'mamaya' samay tenga ko.

Natawa kami pareho, I hugged her tightly and plant a kiss on top of her head. Ang cute, eh.

"Biro lang. Happy birthday!" bati niya, niyakap ko ulit, na-miss ko siya kahit tatlong araw lang kaming hindi nagkita.

"Na-e-elibs pa rin ako sa bahay rito! Ang laki!"

My eyes immediately scanned the house in front of me. Wala namang nagbago sa bahay, gano'n pa rin naman kaya natawa ako.

"Yung inyo rin naman, ah? We'll get there, Heira!" Tapik ko at hihiwalay na sana sa yakap nang makita ko si Lui sa taas, nakadungaw mula sa balcony ng kwarto ko at pinagmamasdan lang ang mga tao rito sa baba.

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon