Hindi ko alam na mahabang oras ang tinatagal ng mga meetings kasama ang ibang executives. Nakikinig ako pero tamad na tamad na ako.
While si Ria, eto sobrang attentive. Hope all.
Gan'yan siguro talaga kapag gusto mo talaga ang ginagawa mo.
Ria will do great in this field kaka-start niya palang pero sure na akong kapag nag-retire ang assistant ni Dada siya na ang papalit. Gano'n siya ka-deserving para sa pwesto.
Na-move nga lang ang sched namin dahil nag-suggest ako na isabay nalang sa mga DeFini's ang pinaka huling seminar para clear-out na ang schedule namin mula friday. Bored na kasi ako.
The meeting was finally adjourned after our 30 minutes overtime. Deretcho kaagad ako sa suite, si Ria pagod din kaya sumama na rin sa 'kin pabalik sa hotel.
Naabutan ko pa nga si Luisia na natutulog, suot pa niya ang sapatos niya kaya tahimik kong tinanggal iyon.
Can't help but to stare at her. Ahh this woman.
Napaka duga talaga ng mundo, nakanganga na siya niyan pero ang ganda pa rin talaga.
Nilapit ko ang muka ko upang mas makita ng maige ang muka niyang walang kapintasan habang pinapakiramdaman kung paano tumibok ng malakas ang puso ko.
I don't know why I'm feeling this.
I just did.
Iling akong nag-shower at nahiga na rin.
Kinabukasan, nagising ako wala na si Luisia at maayos na rin ang mga unan sa side niya, hindi na nakagugulat 'yun, I know she has agendas pa kasi.
Ang mas ikina-gulat ko? 'Yung raramdaman ko sa mga oras na 'to.
I feel...empty.
Empty waking up without her beside me. Ayun ba?
Hindi 'ko sigurado kung iyon ba ang dahilan pero alam ko, dahil 'yon sa kanya.
Tinanggal ko nalang sa isip ko.
Ria was waiting for me, maaga siya masyado para sa makikinig ng seminar, dinaig niya pa 'yung magbibigay ng talk mamaya.
She excitedly approached me. "Miss DeFini approved our request so cleared na ang weekends natin!" she happily informed. Maasahan ko talaga si Ria.
That's good. I'd like to relax too.
The seminar went well also, nangawit nga lang ako kakaupo. Bored na bored ako halos makatulog ako sa nangyaring seminar, umaga at hapon 'yun ngayong araw, napahaba ang talk ng last speaker kaya umuwi nanaman kaming late.
Mas late umuwi si Lui, nakatulog na ako sa sobrang tagal kong pagpigil ang antok ko. Gulat naman ako nang nagising akong nandito pa siya sa tabi ko — what the fuck corny! Ampanget sa tagalog! What I mean is when I woke up and she's still sleeping then.
Was it her peaceful sleeping face that makes me smile? If yes then I'm smiling too widely this early morning.
Ako naman 'yung maaga ngayon, mararamdaman niya kaya 'yung naramdaman ko? Sa totoo lang hindi kami nagpapang-abot dalawa, we don't even have time to eat dinner nor breakfast together.
Pinabayaan ko nalang kasi hindi naman personal na dahilan kung bakit kami nandito ngayon, we're both obliged to do our task here.
"Sis phone mo tumutunog."
Nabalik ako sa wisyo nang sabihin 'yun ni Ria. Mom's calling, sinagot ko kaagad, pinauna ko na si Ria sa loob dahil nagsisimula na ang meeting doon.
BINABASA MO ANG
East
Romance[COMPLETED] Once upon a time she's in love with me, and billion of years later she wasn't sure enough to hold me still. [Everything about sunrise, sunsets and this coffee lover girl.] GxG © incrappyedge_ 2020