Chapter 3

3K 119 9
                                    

That Eastern Girl's POV

Fuck! Tama bang umalis ako? 

Kinailangan kong hilahin ang sarili ko paalis sa unit ng babaeng — shit bigla akong natauhan hindi ko alam ang pangalan niya teka lang! 

Ah! At least alam ko naman 'yung unit niya. 

Aish! Parang kulang — parang kulang  na 'ko sa dugo englishera kasi 'yung babaeng 'yun — pero realtalk nga kasiiii putspa may kulang talaga, gusto ko siyang balikan agad, feeling ko nanghinayang pa siya nang umalis ako, sige libre mangarap.

Nag-taxi ako pabalik ng dorm, hindi ko maiwasang hindi siya isipin. Binigyan niya ako ng bagay na ka-iistressan kaya humanda siya babalikan ko siya.  

Hindi na kailangan ng kung sinong ponsio pilato para sabihing interisado ako sa kan'ya, seryoso, parang isa siyang aroma na gustong-gusto kong amuyin, gano'n. Ay medyo bastos pero totoo nga kasi! 

"75 po miss." 

Shit, wala pala akong pera. At wala rin akong cellphone. Nalintikan na.

"Manong pwedeng doon mo ihinto?" Turo ko sa tapat ng gate ng uni, tropa ko kasi ang guard at manghihiram nalang muna ako. 

Dahil doon, nalusutan ko kaagad ang isa sa consequences ng mga ginawa ko over the night. Nagpasalamat talaga ako kay Kuya Niño sa pagpapahiram niya at nangako akong magbabayad mamaya.  

Dali-dali akong umakyat sa dorm room ko. 

Pagkapihit ko sa pintuan ay naka lock. 

"Urgh! Shit." Napahilot ako sa sintido ko. Pasado alas otso ang first class ng dormmate ko at 8:15 na. Anak ng tokwa kung minamalas ka nga naman! 

Kaso biglang bumukas ang pintuan, sa gulat ko napaatras ako ng ilang hakbang at napamura.

"Aahhh! Tangina!" Uy pamilyar yung linyahan kanino ko nga ulit narinig? Teka 'bat ko ba pinoproblema.

"Tangina! San ka galing!?" Tinulak ko si Lexi upang makapasok ako, late na ako! Siya rin!

"Babae! Hoy! May meet ka pa! Sa'n ka galing?!" Huminto ako para tignan siya saglit bago dumeretcho sa banyo.

"Oo may laban ako ng 8:30ish at kung iku-kwento ko sayo lahat, todas tayo pareho."

Halos hindi ko naayos ang pagligo ko. I slipped my dri-fit jersey, my cycling, jogging pants, warmer jacket and shoes.

Syempre dala ko pati spike shoes. 

Nagmadali kaming lumabas ng dorm. May mga sinasabi siya tapos nakasunod lang, ang galing niya dahil nakakasabay siya sa 'kin kahit papaano. 

"Damn hit the road Jack." 

"You're crazy! Did you get laid last night? Kung hindi ka late umuwi edi sana hindi tayo nagmamadali ngayon!"


"Sana."

Ngumisi ako habang kumukuha ng timing, saktong tumalon ako pagkahinto ng sasakyan, tawa nalang ako. Nagmamadali talaga ako eh. 

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon