"Architect, 'wag mo kami iwan!"
Tinaasan ko ng kilay si Killo at Ria na mabagal kumilos. Kasama ko ngayon ang mga empleyado ni Dada.
"I swear kapag kami lang naligaw rito."
Rinig ko pang bulong ni Ria nang makalapit na siya. Napabugtong hininga nalang tuloy ako, bakit ba sinama ko pa ang mga 'to rito.
I roamed my eyes around. Daming tao. May fashion show na nagaganap, sinubukan kong tawagan ang hinahanap ko but her phone is unattended. Napakamot ako sa kilay ko at napatingin sa kasama, I tagged them along kasi akala ko mabilis lang kami rito at makakakain kaagad.
Nasa'n ka na?
"Oh my God, Miss Ae...ang ganda.." nilingon ko ang tinitignan niya expecting a gorgeous model sa runaway, syempre may fashion show, eh.
But no, this one's better.
Napangiti ako nang hindi pala model ang minamata ni Ria — she was eyeing the one I was looking for! After ilang minutes nakita ko rin — or should I say, she found me.
"Ae!"
"Lui!"
She run to me all smiles, I feel giddy, hindi ko pa mahintay at naglakad din ako upang salubungin siya.
Naglabas nga lang ako ng impit na tunog nang tumalon siya payakap sa 'kin na feeling magaang. Pakiramdam ko nangyari na 'to rati.
"God! I miss you, how are you?" she asked.
"Okay lang." Kibit-balikat ko. "You? Are you done with your work? Gutom na kami, ilibre mo 'ko."
"Ay okay lang ako kanina but I think I have a fever now, ugh hindi ako makakasama—"
"Ilibre mo ako, we haven't met for awhile!"
Umakbay siya at nilagay ang daliri sa baba as if thinking, her lips pursed, if I know she's trying hard not to smile. No wonder Ria seem starstruck, hindi model ang nakita niya pero mas maganda pa sa mga models, she screams 'Luisia DeFini World Domination' as she blink — gano'n kalala. Oh my God alak ba siya? Bakit habang tumatagal mas sumasarap — I don't mean it in such perverted way but...nevermind.
"We're not seeing each other because you're busy! Ang kapal mo magpalibre. Hi! Ria, right?" Baling niya sa kasama ko na nakalimutan kong kasama ko nga pala, hala, sorry naman.
"A-ako? Ah! Opo miss..."
"Pfft.." Rinig kong pagpipigil ng tawa ni Killo, I bit my lips as I eyed him, katulad ko siyang nagpipigil ng tawa. Her face is priceless! Napansin din ni crush!
"By the way my name is Killo, Miss DeFini, pasensya na sa CPA namin, gan'yan lang 'yan minsan mag-malfunction." He laugh and tap Ria's back, natawa na rin ako dahil namula ang muka ni Ria.
"Nice to meet you, Killo, it's okay." She eyed the tomato red girl and flashed her close mouthed smile. "Tara na? May patay gutom dito, eh."
Iling akong sumunod sa kanila. Lui and I haven't met for a month now, oh wait baka hindi lang — and if you're thinking of her travelling the world — no, she loves her work now as a designer dito sa France. Na-inlove 'ata sa trabaho niya kaya ayan nag-stay, sana all nananatili.
Busy rin kasi ako kaya kahit iniimbitahan niya ako minsan na pumunta rito ay hindi ko magawa, dami ko loads.
"Ay Miss, ililibre mo si Architect?"
Nako po.
I licked my lips in annoyance. Bwisit talaga ang babaeng 'to. Bukas na bukas din ipapag-resign ko siya sa kompanya.

BINABASA MO ANG
East
Romansa[COMPLETED] Once upon a time she's in love with me, and billion of years later she wasn't sure enough to hold me still. [Everything about sunrise, sunsets and this coffee lover girl.] GxG © incrappyedge_ 2020