Chapter 34

1.3K 72 32
                                    

I've changed through the years, I wasn't that kid anymore, the kid who would throw my clenched fist in the air just to avenge myself from people who bully me. I'm far from that now.

Life has been tough on me, no — I am the luckiest because of my parents wealth but I've chose to learn all life lessons the hard way so I grew up understanding other people's perspectives, opinions, and beliefs. You can't be just mad at people because you know they have valid reasons why they decided to do what they did — oh bullshit, who am I kidding?

I can be a bitch, and the most kindest person to those who deserves it. Kung bastos ka sa harap ko, bastusan nalang tayo. I act accordingly.

"This is for the VIP's Ma'am!" Habol sa akin ng waitress na nakapansing wala ako sa listahan ng VIP nila, I don't care. Direderecho akong pumasok and closes the door with a loud thud.

Madaling nahanap ng mata ko ang sinadya ko rito. He smirked at me, I could see his similarities with Ahiera when it comes to their figures. Nandito nga siya. Ayos muka sana, galing akong byahe tapos nakakairita pa siya tignan.

Bouncers came after me.

"Stop them," utos ko sabay turo sa labas kung saan nagkukumahog ang mga bouncers sa pagbukas ng naka-lock na pinto.

Nandito ako ngayon sa isang club, exclusive for elites, and elites only, bakit ginto ba ang alak dito?! Hindi naman maganda rito masyadong mausok!

"Sir we're very sorr—"

"It's okay, mag-uusap kami," putol niya agad dito.

Hindi tulad ng kapatid niya, napakahangin niya. Ngayon alam ko na kung bakit galit na galit si Ahiera sa lalaking 'to.

I didn't even mind to sit, before he could talk naunahan ko na siya, I was trying hard to compose myself. "Your family needs that money and you pulled that out just when they need it?" I gritted my teeth.

"And you're here because?" Walang interes na sabi niya. "Miss Del Pierro si Heira na mismo ang nagsabi na hindi nila ako kailangan." Naiinis ako sa ngisi niya, posible ba 'yon we just met! My blood is boiling in so much frustration.

"She accepted your help, tumulong ka nga pero binawi mo? Anong klaseng tulong 'yun?"

"Napagtanto kong matagal na akong walang pamilya, I don't need them, they already turned their backs on me a long time ago."

"You're the one who turned your back first after being blinded by money!" Nagpipigil ako ng inis kanina pa.

"Galit na galit ka? Niloloko ka lang naman ng kapatid ko dahil may pera ka, don't put shame on your family's name Miss Del Pierro."

Tinutok ko ang hintuturo ko sa muka niya. "Bawiin mo 'yang sinabi mo."

"Hindi mo magagalaw kahit pa hintuturo ko kaya 'wag mo akong tinatakot, you're father will never move a single finger to bring me down because of your lame reasons, anak ka lang din tulad ko."

I know my father is just using strong intimidating facade when it comes to business, he clearly don't know my father — I'm glad.

Kung hindi niya pa nga ako nakita sa hospital ay hindi niya malalaman ang tungkol sa akin at sa kapatid niya, how foolish this man can be, siya ang hindi magagalaw kahit na ang hibla ng buhok ko, kung hindi niya lang kamuka si Ahiera iisipin kong ampon siya. Ang sama ng ugali, patapon.

"Natahimik ka? Accept it, Heira is just playing with both of you." He laugh. "Sa Madrid pa? Ang lakas talaga ng karisma ng kapatid ko, mana sa 'kin."

Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. 

"If you can't support your own family financially I hope you can sleep peacefully every night." Matalim akong tinignan siya.

EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon