Hindi pa man kami nakakalayo nang huminto ako dahilan para matigil din ito sa paglalakad at nilingon ako sa bandang likuran.
"Anong pangalan mo?" pagtatanong ko rito habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.
Just in case na masamang tao siya, at least ay alam ko kung anong pangalanan niya kung gagawan man ako nito ng mali pati na rin ang anak ko, na ngayon ay mahimbing ang tulog sa balikat ko. Nagbaba ako ng tingin sa hawak niyang bag pack, tinulungan kasi ako nito kanina sa pagbubuhat. Ang dami kong naiisip, masyado akong nilalamon ng takot pero nilalakasan ko ang loob ko.
"Ah, pasensya na. Hindi ko pa pala nababanggit," aniya saka pa tumikhim.
Gamit ang isang bakanteng kamay ay inilahad niya iyon sa akin.
"Ako nga pala si France... at ikaw?" balik tanong niya habang nananatiling nakalahad ang kamay sa harapan ko.
Maagap kong tinanggap iyon at nakipag-kamay, "Ako si Esperanza."
Sa sinabi ko ay marahan itong tumango, sumilay pa ang isang mumunting ngiti sa kaniyang labi.
"Napakagandang pangalan para sa isang magandang katulad mo," pahayag niya dahilan para pamulahan ako ng mukha, tila nahihiya sa kaniyang sinabi.
Hindi naman ako ganoon kaganda, kahit pa ay marami ngang nagsasabi sa akin. Ayusan lang daw ako ng kaunti at magbihis ng maayos ay lalabas ang tinatago kong ganda.
Tch, wala naman na akong oras para sa sarili.
Lahat ng atensyon ko ay nasa anak ko na lang, iyong dapat na pambili ko ng sariling gamit ay iniipon ko para kay Reece. Iyong iba ay tinatabi ko just in case na magkasakit siya, na sana ay huwag namang mangyari.
"So, tara na? Lumalalim na ang gabi at baka abutan pa tayo ng curfew," anyaya nito saka ako nginitian.
Pilit akong ngumiti pabalik at nagpakawala ng buntong hininga bago kami nagsabay sa paglalakad. Ilang sandali lang din nang huminto kami sa harap ng isang kulay puting van.
Puting van... shocks!
Nagbukas iyon mula sa loob at doon ay tumambad sa paningin ko ang ilang kalalakihan na mga naka-tuxedo, masyado silang pormal para sa gabing ito. Sinundan ko ng tingin ang pag-abot ni France sa bag ko sa isang lalaking malapit sa pinto, inilapag niya iyon sa kalapit na upuan. Napalunok ako, animo'y unti-unting nawawalan ng kaluluwa.
"Sorry, France, ha? Pero kung hindi mo sana mamasamain, bakit mo ako tinutulungan?"
Naisatinig ko ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko. Ang daming tao kanina sa lansangan, pero bakit ako pa ang nilapitan niya?
"Kasi nakikita kong mas kailangan mo ng tulong," wika niya at tuluyan na akong hinarap.
"Pero kasi... sorry ulit, pero hindi ba kayo mga scammer?" mahinang pahayag ko saka pa sinipat ng tingin ang ilang lalaki sa loob ng van.
Tahimik lang ang mga itong nakatitig sa akin, kahit dim lights lang ang liwanag sa loob ay nagagawa ko pa silang masilayan. Blanko ang mga mukha at tila kay hirap para sa kanilang ngumiti man lang.
Sa sinabi ko ay maarteng tumawa si France. "Syempre hindi, ano ka ba, girl? Kaya ka nga namin tinulungan ay baka mapunta ka pa riyan sa sinasabi mong scammer. Trust me girl, hindi ka magsisisi."
Inakbayan ako nito saka mahinang itinulak papasok sa loob ng van, wala na akong nagawa kung 'di ang maupo. Mayamaya lang din ay sinarado na nito ang pinto at doon siya sa passenger's seat pumasok. Hindi rin nagtagal nang umusad ang van kaya pikit ang mga mata kong palihim na nananalangin. Mahigit isang oras ang lumipas at hanggang ngayon ay binabaybay pa rin namin ang kahabaan ng Edsa.
BINABASA MO ANG
Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)
General FictionSa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito- ang maging isang high profiled hooker sa Rampage Society at para maitaguyod ang nagkukumahog niyan...