Matapos umalis ni France ay sandali kong tinitigan ang pintong pinaglabasan nito, hindi nagtagal nang bumaba ang tingin ko sa lamesa kung saan naroon pa rin ang dalawang piraso ng papel, ang kontrata para sa Rampage Society. Ilang beses akong napalunok habang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang kaninang mga sinabi ni France. Kung tatanggapin ko ang offer nito, magiging escort ako, literal na pokpok kung tawagin.
Kaibahan nga lang ay mayayaman ang magiging kliyente kuno. Kung tutuusin ay hindi na masama para roon sa mga taong kayang itaya ang reputasyon at dignidad. Pero ako? Hindi ko pa alam. Sa isiping malaki ang bigayan at kikitain ko sa ganoong uri ng trabaho ay nagdadalawang isip ako, ayoko ngunit may nagtutulak sa aking subukan ko.
Isa pa, sa oras na tumanggi ako ay mapapaalis kami ni Reece rito at kapag nangyari 'yon, saan na kami pupulutin? Nakakasawa nang magpalaboy-laboy sa kalsada at manghingi ng awa sa iba. Mariin akong napapikit at itinukod pa ang dalawang siko sa lamesa, saka ko naman inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Wala na bang ibang choice? Iyon na lang talaga?
Huminga ako nang malalim bago napagdesisyunang tumayo na. Nang makalabas sa lounge area ay dumeretso ako sa restroom. Kailangan kong ayusin ang sarili ko, gayong alam kong para na akong bibigay sa mga emosyon ko. Ang tagal ko nang hindi umiyak, huling iniyakan ko ay si Lola Sireng noong mamatay siya. Matapos 'yon ay hindi na nasundan, kaya heto at naiipon lang siya sa loob-loob ko. Ayaw pakawalan dahil ayokong maging mahina sa harapan ng ibang tao, lalo na sa anak ko.
Saglit akong humarap sa malaking salamin at agad ding pumasok sa isang cubicle na naroon. Hindi ako umihi bagkus ay pinakalma ko lang ang sarili, patuloy pa rin kasi sa pagtataas-baba ang dibdib ko, animo'y gusto nang kumawala ng puso ko sa katawan ko. Ilang sandali pa nang mahimasmasan ako ay nagpasya na akong lumabas ng cubicle. Baka hinahanap na rin ako ng anak ko. Nang mabuksan ang pinto ay doon ko nakita ang isang babae, nakatapat ito sa salamin kaya kitang-kita ko ang mukha nito.
Kumunot ang noo kong pinakatitigan siya. Kulay blonde ang buhok nito dahilan para mas madepina ang kaniyang kagandahan na sa tingin ko ay may ibang lahi. Kasing tangkad ko lamang din siya, voluptuous body ang pangangatawan na hindi katulad sa aking slim and tender, nangayayat sa sobrang pagtitipid na ginagawa.
"Miss, are you fine?" sambit ko nang mapansin ang lungkot sa parehong mata nito.
Gumamit na ako ng salitang ingles dahil baka mamaya ay hindi pala niya ako maintindihan kapag nagtagalog ako. Mukha kasing may lahi itong caucasian or something mexican.
Ah, ewan! Bahala na, pero bakit pala siya nandito? Isa rin ba ito sa mga nabiktima ni France kaya siya naging emosyonal ngayon? Kagaya ko na hindi matanggap ang inaalok na trabaho. Napangiwi ako saka dahan-dahan na nilapitan siya na ngayon ay nakatitig na pala sa akin. Tahimik lang ito habang maang na pinapanood ang paglapit ko. Hindi siya sumagot kaya napahinga ako nang malalim saka iniabot sa kaniya ang isang kamay ko.
"I'm Luna Esperanza..." pagpapakilala ko at nginitian siya, "And you are?"
Mapait itong ngumiti, marahan munang pinunasan ang kaniyang pisngi bago tanggapin ang kamay ko, "I'm Summer."
"Nice meeting you, Summer. I'll go ahead?" alanganin kong pahayag na siyang mabilis naman niyang tinanguan.
Hindi na siya umimik pa kaya tuluyan na akong lumabas ng restroom. Dali-dali akong pumasok ng elevator na siyang nasa gilid lang nitong banyo at agad na pumasok sa loob.
Summer... whoever she is, alam kong may mabuti siyang puso.
Muli akong napahinga nang malalim, kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto ng elevator kaya mabilis din akong lumabas doon. Ilang sandali pa nang makapasok ako sa unit ko, kasabay nang malalim kong paghinga.
BINABASA MO ANG
Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)
Ficción GeneralSa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito- ang maging isang high profiled hooker sa Rampage Society at para maitaguyod ang nagkukumahog niyan...