Nang makaupo iyong si Skye sa tabi ni Beauty ay mabilis ding nag-umpisa ang meeting. Samantala ay panay naman ang tingin ko sa wall clock, tinitingnan ang bawat paglipas ng minuto.
"Here are some rules na kailangan ninyong sundin. The first and most important thing is follow the said rules. Just follow so walang masamang mangyayari at sakitang magaganap."
Si France ang nagsasalita habang may hawak na papel, si Madame X naman ay naroon sa gilid na nananatiling nakaupo at nakikinig lang din kay France katulad naming walang imik.
"In short, bawal ang pasaway, bawal ang tumakas kung hindi pa tapos ang kontrata ninyo. Ayaw niyo namang makulong, hindi ba?" dagdag ni Madame X habang mataman kaming tinitingnan.
Mabilis kaming tumango rito na parang mga alipin. Sino bang gustong makulong? Tch. Kung sabagay, kung wala lang talaga akong anak ay baka natagpuan ko na lamang ang sarili sa kulungan sa salang pagtakas.
"Sa mga nakabasa na ng kontrata ay nakasaad doon na lahat ng malilikom ninyong pera ay pansamantalang mananatili sa amin. Hindi ninyo 'yon makukuha hangga't hindi pa tapos ang kontrata, kahit pa nabili na kayo ng mga mismong client niyo."
Sa sinabing iyon ni France ay narinig ko pa ang mahinang pagsinghap ng ilan, hindi ko na nilingon kung sino iyon at deretsong nakatingin lang sa harapan. Huminga ako nang malalim at papikit-pikit ang mata kong sumandal sa head rest ng swivel chair. Para lang siyang nagtuturo sa mga estudyante. Nakakaantok masyado. Isa pa, nasabi na niya 'yan sa akin noon kaya bakit pa ako nandito? Gusto ko nang makita si Reece, gusto ko na siyang mayakap.
"Kung lalabas sa Demoirtel, asahan ninyong may mga nakasunod sa inyong security personelle but— makakalaya lang kayo once na nabili na kayo ni client at wala na sa poder ng Demoirtel."
Kahit inaantok ay marahan akong tumango. Naisip ko lang, sino naman kaya ang bibili sa akin? Baka puro one night stand lang ang mangyari sa akin dito. Gasgas na ako ay wala pang kumukuha sa akin.
"Also, girls, you have no rights to disrespect our clients," matigas na sambit ni France dahilan para umayos ako ng upo.
Nag-isang linya pa ang labi ko, na para bang nahiya ako bigla sa sinabing iyon ni France. Patagong napalunok ako sa sariling laway, pero kasalanan naman kasi ni Third ang nangyari. Wala sa sariling napairap ako at tangkang pipikit na nang tumikhim si France kaya nag-angat ako ng ulo rito at nakitang maang itong nakatitig sa akin, bahagya pang nakataas ang isang kilay sa ere.
"Hindi ba, Esperanza?" aniya at saka pa ako nginisian ng tila nang-uuyam.
Wow, may pa-special mention si mayora.
Hilaw ang naging ngiti ko rito at hindi na magawang lingunin ang mga kasamahan, kahit pa ramdam na ramdam ko ang mainit nilang paninitig sa akin. Gaya ng sabi ko ay hindi ko na iyon kasalanan.
In the first place, bakit makikipag-one night stand sa akin si Third kung tinatakasan naman niya ako? Lalo na ang responsibilidad nito bilang ama kay Reece. Kaya marahil nang makita ako sa personal ay nag-anyong may amnesia ito.
"Kung tutuusin ay sila ang susi ninyo para makaahon diyan sa kung ano mang paghihirap ninyo ngayon. Just think on the positive side, okay?"
Ilang minuto lang din nang matapos ang meeting, marami pang nai-discuss pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Ang iba kasi ay alam ko naman na at paulit-ulit na lang. Nauna nang lumabas si Summer na siyang sinundan namin.
Nagkasabay pa kami ni Beauty sa pintuan dahilan para lingunin ko ito at nakitang tipid lamang siyang ngumiti, tila nahihiya pa. Sinuklian ko na rin siya ng masayang ngiti dahil katulad ng narinig ko kanina ay bago lang siya rito pero grabe talaga iyong one million dollar niya. Sino kaya iyong bumili sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)
Tiểu Thuyết ChungSa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito- ang maging isang high profiled hooker sa Rampage Society at para maitaguyod ang nagkukumahog niyan...