Hindi ko alam gaano katagal na kami magkatitigan ni Third. Simula kasi nang sabihin niya iyon ay hindi na ako umimik, tuluyan na ring nalaglag ang panga ko sa sahig.
"You don't have to rush yourself, pag-isipan mo muna," aniya matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Bakit?" sambit ko habang hindi makapaniwala sa narinig.
Kalmado lang ako pero fuck, sobrang lakas na ng tibok ng puso ko na nagawa ko pang maging casual sa harapan niya. Walang expression kong sinusuklian ang mainit nitong paninitig.
"I don't know, I have this feeling na dati na tayong magkakilala, based on your reaction when we first met," dagdag nito na lalong nagpagulo sa isipan ko.
Gayunpaman ay marahan akong tumango at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang inis. Ano bang nangyari sa kaniya? Talaga bang hindi niya ako kilala? Or worst, nagka-amnesia ba siya?
"What happened to you?" maang ko itong pinasadahan ng tingin pamula ulo hanggang sa makikisig nitong balikat.
He's still the same though, nag-mature lang ang itsura niya dahil sa paglipas ng panahon ay mas lalong na-depina ang mga facial features nito. Lumaki ang katawan, lumalim ang boses... but I know, he's still the same. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya kaya nabaling doon ang atensyon ko. He got the sexiest eyebrows ever, makapal at itim na itim.
Huminga ako nang malalim saka mahinang kinurot ang sarili. Pigil ang paghinga ko, kasabay kung paano ko pigilan ang palihim kong pagpapantasya sa kabuuan ni Third. For pete's sake, nasa seryosong momentum kami. Mariin akong napapikit, kalaunan nang magdilat din.
"What do you mean by that?" baritono niyang saad, hindi naaalis ang pagkakakunot ng kaniyang noo.
"Na-aksidente ka ba noon?"
Sa sinabi ko ay doon na tuluyang nalukot ang mukha niya, tila ba nahulas ang emosyon sa kaniya. Lumikot pa ang dalawa nitong mata na para bang hindi mapakali sa kinauupuan.
"Tama ba ako?" mabilis kong segunda nang ma-realize kong tama ang hinala ko. "Kailan nangyari? Paano? Third, kailan? Sagutin mo ako."
"I don't know who you really are, but there is something about you na gusto kong malaman—"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," pagpuputol ko sa kung ano mang nais niyang iparating.
Bumuntong hininga ito at napansin ko pa ang pagkuyom ng kaniyang kamao na naroon nakapatong sa mesa. Nang mapansin niyang doon ako nakatingin ay kaagad din niyang ibinaba iyon.
"That was six years ago," aanganin niyang pahayag at nagtiim bagang.
Mapait akong ngumiti at hindi na namalayan ang pag-alpas ng luha dahilan para malaya iyong namalisbis sa aking pisngi. Shit, why do I need to feel this way? Wala pa ay nag-uunahan na ang mga luha ko.
"On our way to Manila when we got involved into a car accident then my mom died... also my dad and my lil brother are dead on arrival." Kibit ang kaniyang balikat, saka pa bahagyang napanguso.
Sa sinabi niyang iyon ay naging visible sa paningin ko ang mamasa-masa nitong mga mata, tila gustong umiyak but he remain strong. He don't wanna show his vulnerable side like he used to kaya ako na ang umiiyak para sa kaniya.
"Na-commatose ako for how many months, then later on, we found out that I have Retrogade Amnesia," dugtong niya at saka pa tumango-tango sa sariling alaala "Do you know what is it?"
Mabilis akong napailing, hindi na magawang makapagsalita dahil sa samu't-saring emosyong nararamdaman ko ngayon. Mayamaya pa nang mailing si Third habang abala sa paninitig sa hawak niyang wine glass.
BINABASA MO ANG
Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)
Ficción GeneralSa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito- ang maging isang high profiled hooker sa Rampage Society at para maitaguyod ang nagkukumahog niyan...