Chapter 17

3.9K 165 63
                                    

Nagbaba lang ako ng tingin kay Third na ngayon ay mariin nang nakatingin sa akin, igting ang panga nito habang nangingitngit sa galit. How could he be so damn sexy when he's angry?

Holy shit! I am so lost.

Nananatili akong nakatayo kaya nakatingala siya sa akin hanggang sa bumaba ang parehong mata nito sa katawan ko, nagtagal ang mga iyon sa suot kong short sport attire at walang pasabing hinawakan ang laylayan no'n. Pilit na ibinababa sa paraang matatakpan ang naka-exposed kong hita.

"Ano ba, Third?" angil ko rito at bahagyang umatras.

Wala sa sariling tiningnan ko ang suot at hindi naman 'yon ganoon kaikli, sapat lang para matakpan ang kalahati ng hita ko. Napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Third bago ako balingan.

"You're showing too much of your skin," baritonong pahayag niya.

And then? This is not too much for christ's sake. Wala sa sariling napairap ako sa hangin, dala marahik ng pagod at kakamadali kanina ay nakaramdam ako ng init— init ng ulo. Kumunot pa ang noo ko dahil masyado akong nalilito sa mga inaasta nito at hindi ko alam kung bakit mas dumoble ang pagtibok ng puso ko.

Siguro ay dahil nakikita ko sa kaniya noon ang Renz na possessive pagdating sa akin. Ngunit hindi na siya iyong Renz na nakilala at minahal ko noon. Siya na si Third ngayon, kaya bakit ba ako nagpapaapekto sa kaniya?

"Tingnan mo kung nasaan ako... kung ano ako," mahinang turan ko at iminwestra pa ang paligid.

Nasa Demoirtel ako kung saan pugad ng mga babaeng nagbebenta ng sarili at isa akong bayaran. Kaya anong pino-problema niya? Mas malala pa nga sa akin ang iba rito kung tutuusin kaya bakit hindi 'yon ang suwayin niya?

Hindi siya umimik, bagkus ay nanatili lang ang seryoso nitong paninitig sa akin at kitang-kita ko pa ang pagtiim-bagang niya. Tumikhim ako saka tuluyan nang naupo sa katapat niyang sofa.

"Ano bang ginagawa mo rito? Akala ko ba ay bibigyan mo ako ng oras para makapag-isip? Wala pa ngang isang araw, oh?" sunud-sunod kong sambit habang nangungunot ang noo.

"I doubled the ten million and I already deposited it, nasa pangangalaga na ng Rampage Society ang perang ibinayad ko sayo."

Sa narinig ay halos kumuyom ang dalawang kamao kong naroon nakapatong sa hita ko. Twenty million? Pagak akong natawa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiisulto sa sinabi niya. Talaga bang bayarang babae ang turing niya sa akin? Na kailangang idaan lahat sa pera para makuha nito ang gusto niya? Mapait akong ngumiti at nailing-iling sa kawalan. Wala nang pag-asa pero sige.

"Hindi ka na ba makapaghintay?" tanong ko rito, tila nang-uuyam pa ang boses.

Bumaba ang tingin ko sa leeg nito nang magtaas-baba ang kaniyang adams apple. Huminga ito nang malalim bago dumukwang palapit sa akin at itinukod pa ang dalawang siko sa lamesa.

"I don't have much time to wait, I want my memories back as soon as possible," aniya at hindi nakaligtas sa tainga ko ang pagsusumamo sa boses niya.

"Sa tingin mo ba, sa paraang ito ay matutulungan kitang maibalik ang nawawala mong memorya?"

Kibit ang balikat nitong tinitigan ako. "Siguro ay oo, siguro rin ay hindi. Pero wala namang mawawala kung susubukan, hindi ba?"

Napabuga ako sa hangin, animo'y nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Wala na akong kawala, knowing Third na noon ay Renz— lahat nang gugustuhin nito ay madali niyang makukuha. I know him too well kaya heto ako at mukhang magpapaalipin na naman sa kaniya.

Muli ay napabuntong hininga ako saka siya pinasadahan ng tingin, pababa sa kabuuan niya. Wearing a black tuxedo with red neck tie, nakapormado rin ang buhok nito dahilan para umangat ang natatangi niyang facial features. He looks dominant in any way. God damn it! Ang gwapo pa rin.

Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon