"Another drinks nga, Empress! I want tequilla, gawin mo nang dalawa para rito sa katabi ko." Dinig kong pahayag ni Heather na nananatiling naroon sa katabing upuan ko.
"Right away bitch!"
"Hurry up bitch!"Natawa na lamang ako sa usapan nina Ems at Heather, akala mo ay mga lasing sa kanto at kung magsigawan. Nailing ako saka pa nagbaba ng tingin sa basong hawak ko, wala na iyong laman at tila natuyuan ako ng lalamunan.
"Huwag mo nang isipin ang sinabi ko kanina. Ang hirap kasi talaga kapag iyong ayaw mo nang makita ay parang kabuteng sumusulpot kung saan-saan. Nakakaloka!" mahabang lintanya ni Heather.
Napansin ko pa ang pagsindi nito ng kaniyang sigarilyo kaya nilingon ko siya. Kahit papaano pala ay masasabi kong may angking kabaitan din naman siya, o baka lasing na nga talaga ito kagaya ko?
"Do you mind?" tanong nito sa akin at iminwestra pa ang sigarilyong hawak.
"I don't mind," pahayag ko sabay kibit ng balikat.
Muli akong bumaling sa harapan at napabuntong hininga sa kawalan. Last chance and my last resort— ganoon na nga lang siguro ang gagawin ko. Sasama ako kay Renz para makaalis na sa ganitong klase ng lugar. Mas mabuti ring mahirapan ako sa taong kakilala ko kaysa sa hindi. Baka ano pang mangyari at mas malala ang maging sitwasyon ko. Sa ngayon ay tatanggapin ko at bahala na kung ano mang kahihinatnan nito.
"I'm Heather, by the way," aniya at inilahad pa ang isang kamay sa akin.
Bumaba ang tingin ko roon at bahagyang kumunot ang noo. Honestly speaking, kanina pa kasi kami nag-uusap, pero ngayon lang siya nagpakilala? Hindi ba siya aware na alam ko na ang pangalan niya?
Heather the great— the crowned Maleficent.
Napangiwi ako at kahit nalilito ay tinanggap ko na rin. Baka awayin ako bigla, nasa itsura pa naman nito ang pagiging warfreak. Wala sa sariling natawa ako bago siya sinuklian ng isang ngiti.
"Here's your order mga bitches!" Entrada ni Ems sabay lapag ng inumin sa harapan namin.
Tinapunan ko ito ng tingin, kalaunan ay muling napangiwi. Buong akala ko ay napakabait nitong si Ems, tipong hindi makabasag pinggan. But look at her now, pareho rin pala sila ni Heather na palaban.
"Shit, ang tagal ah?" mataray na sambit ni Heather kay Ems.
"Whatever, bitch," ganting turan ni Ems saka pa umikot ang mga mata sa ere.
Nakakaloka! Looks can be deceiving, huh?
"Come on, Esperanza! Cheer up! Let's drink... watch and learn."
Mabilis kong nilingon si Heather na may kung anong ginagawa sa sarili, nilagyan nito ng asin ang kaniyang palapulsuan bago uminom ng alak at hindi ko na nasundan ang ginawa nito nang kumirot ang ulo ko. Panay na ang sinok ni Heather kaya maya't-maya akong napapalingon sa gawi niya, natatawa na lamang ako sa tuwing sasayaw ito sa salin ng musika habang nakaupo pa rin.
"Cheers!" sigaw ko saka pa itinaas sa ere ang kamay kong may hawak na baso ng alak.
Bahala na kung anong mangyari bukas, basta magsasaya ako ngayon. Kailangan kong malimutan panandalian ang gagong Renz na 'yon. Ang kapal ng mukha niya, bwisit talaga siya.
"Ang sakit-sakit talaga... hindi niya ako maalala!" Mayamaya pa ay natagpuan ko na lang na nagda-drama na pala ako, dala marahil ng alak ay tinamaan ako ng kabaliwan. "Shit! Bakit hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya?"
Shit talaga! Akala ko ay makakalimot ako sa pamamagitan ng alak. Sabi ko, magsasaya ako pero tingnan mo nga naman ang nangyari, mas lalo pa akong namroblema sa lalaking iyon. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako kaya mabilis ko iyong pinunasan, ngunit kahit anong gawin kong punas ay malaya pa ring namamalisbis ang luha sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)
General FictionSa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito- ang maging isang high profiled hooker sa Rampage Society at para maitaguyod ang nagkukumahog niyan...