Nang matapos kami sa pagkain ni Reece ay dumating ulit si Manang Fe, marahil nabanggit na rin sa kaniya ni France na magkikita kami. Grabe talaga ang taong iyon, hindi ko rin mawari sa sarili kung bakit ako ganito. Kaya ngayon ay halos kapusin ako ng hininga habang mabagal na tinatahak ang daan papuntang lounge area.
Doon ay kaagad ko siyang nakita, talagang inaabangan ang pagdating ko. Gaya kagabi ay nakapormal pa rin ito, bihis panlalaki at nakapormado ang clean cut nitong buhok. Kung titingnan mabuti ay hindi mo aakalain silahis siya kung hindi mo pa maririnig ang boses o ang pananalita niya.
"Esperanza..." banggit niya sa pangalan ko nang tuluyan na akong makalapit.
Maagap na dumako ang atensyon nito sa papel na hawak ko kaya inilapag ko iyon sa lamesang katapat niya.
"Nakapirma na ako," labas sa ilong na wika ko, wala ring emosyon ang parehong mata ko.
Pinanatili ko ang malamig kong pakikitungo rito, blanko lang ang mukha kong tinitigan siya. Marahan itong tumango at pinasadahan ng tingin ang dalawang piraso ng papel.
"Naintindihan mo naman ba ang mga nakasulat dito?" aniya at muling bumaling sa akin.
Binasa ko lang pero wala akong naintindihan. Hindi dahil sa hindi ko ma-gets, iyon ay dahil hindi ko lang masikmura ang mga nakasulat doon. Nang mapansin nitong wala akong balak na umupo ay siya na ang nag-adjust at tumayo ito dahilan para tingalain ko siya, hindi ako ganoon katangkad dahil 5'5" lang naman ang height ko. Kumpara sa kaniya na hanggang chin niya lang ako.
"So, ang kontratang ito ay good for one year, it's actually better than other contracts since ito ay exclusive lang for all our VIP clients which means, isa kang high ranked escort. In other terms, elite hookers," maarte nitong paliwanag habang iwinawasiwas pa ang mga daliri sa hangin.
Kahit ano pa mang sabihin o gawing pantapal, sa madaling salita ay isa akong pokpok. Marahan akong tumango, kahit hindi pa rin tanggap ng katawang lupa ko ang nangyayari ay paninindigan ko na 'to. Wala naman na akong magagawa, nakapirma na ako ng kontrata.
Kaysa makulong ako dahil sa pag-back out ay tanggapin na lang din. Isa pa, para naman ito sa anak ko. Pikit-mata ko na lang gagawin habang iniisip na balang-araw ay makakaahon din kami sa hirap. Sa oras na mangyari 'yon ay talagang aalis na ako rito sa mala-impyernong trabahong 'to. Paalis sa mapang-abusong buhay na mayroon ako.
"Mas maintindihan mo pa ang kalakalan dito kapag sumama ka sa 'kin. Halika..." Bago pa man ako makapag-react ay hinila na nito ang kamay ko.
Gustuhin ko mang magsalita ay masyado na akong nawala sa ulirat, tila wala pang lakas kaya nagpatangay na lang ako sa kaniya hanggang sa huminto kami sa isang pintuan. Nandito pa rin kami sa lounge area, ngayon ko lang napansing may ilang mga tao ang naroon nakaupo, na purong mga kababaihan na natitiyak kong na-recruit din o baka iyong iba ay dati ng hookers dito.
Binuksan ni France ang pintuan saka tumambad sa amin ang hagdan pababa sa kung saan. Nalingunan ko pa ito ngunit nginitian niya lamang ako at muling hinila. Nang tuluyang makababa ay doon bumungad sa paningin ko ang ilang mga high technology na nakapaligid, sa kabilang banda ay naroon ang malaking screen.
"Ito ang tinatawag naming ground area, dito madalas nagaganap ang bidding at iyong virtual meeting kay Madame X na nangyari nga kanina, hindi mo lang naabutan kasi hindi ka kaagad pumayag," paliwanag nito sabay kibit ng balikat.
Dinala ako nito sa kabilang dulo at doon naman ay nakita ko ang ilang mga kababaihan, ang iba sa kanila ay nakaayos at nakabihis ng magagarang gowns, nagmistulang dadalo sa isang party.
"Sila ang ilan sa mga hookers ng Rampage Society, depende pala sa kontrata mo kung anong rank mo rito. So for examples, a day to one week contract, sila iyong escort for guest or foreigns."
BINABASA MO ANG
Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)
Narrativa generaleSa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito- ang maging isang high profiled hooker sa Rampage Society at para maitaguyod ang nagkukumahog niyan...