Chapter 18

3.9K 153 49
                                    

Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ni Reece, hindi ako gumalaw at nananatili lang sa kaninang pwesto. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapit niya sa kama.

"Mamu..." pagtawag nito sa akin saka pa hinawakan ang balikat ko. "Miss ko na si Papu."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marinig ko ang lungkot sa boses niya. Masuyo pa nitong ginalaw ang kamay ko, akala niya siguro ay tulog ako kaya panay ang yugyog nito sa akin.

"Sabi mo noon, babalik din siya... babalikan niya tayo, pero nasaan na siya?" mahinang sambit niya, animo'y ano mang oras ay iiyak na ito.

Bumalik na siya anak, hindi lang niya ako nakilala— hindi niya tayo kilala. Kaya hindi ko alam kung paano uumpisahan itong inaalok niya sa akin. Hindi ko alam kung paano uumpisahan lahat.

"Miss na miss ko na si Pa—Papu, e. Miss na miss." Si Reece at tuluyan na nga itong umiyak.

Huminga ako nang malalim saka siya nilingon at mabilis na dinaluhan, na ngayon ay nakatakip ang mukha sa dalawang palad niya. Kasabay ng pag-iyak nito ay ang mahina kong pagtangis.

Mahigpit ko itong niyakap, na para bang sa paraang iyon ay mapapawi ko ang lahat ng hinanakit niya— lahat ng pasakit na dinadala ko. Hindi ko alam kung bakit parang napakahirap maging masaya?

Why do we have to suffer from this shit? Ilang luha pa ba ang dapat na masayang bago namin makita ang tunay na kaligayahan? Parang ang hirap maging masaya, katulad kung gaano kahirap makaahon sa buhay.

Kinagabihan ay maagang natulog si Reece dahil na rin sa magdamag na pag-iyak nito, kaya nagkaroon ako ng oras para makababa. Gusto ko lang magpalipas ng sama ng loob.

Dumeretso ako sa Resto kung saan nasa loob no'n ang nasabing bar. Nang makapasok ay umalingawngaw kaagad sa pandinig ko ang malakas na disco sound, pati ang disco lights na masyadong masakit sa mata.

This isn't my life. Hindi ako sanay sa ganito pero hayaan na. Gusto ko lang magliwaliw at magmuni-muni. Isa pa, masyado nang nagiging unfair ang mundo. Let me just celebrate it.

Mabilis kong nilakad ang daan patungong bar counter at sumalampak sa isang stool na naroon. Nakita ko pa ang isang babaeng bartender sa loob na minamani-obra ang isang bote ng alak sa kaniyang kamay, palipad sa ere.

"Here's your drink, Ma'am," magiliw na saad nito sa isang customer saka inilapag ang isang baso ng alak sa counter.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing familiar ang mukha nito, lalo na nang magtama ang paningin namin at doon ay nakita ko ang kulay asul niyang mata. If I'm not mistaken, Ems ang pangalan niya.

Right. Anong ginagawa niya rito? Aside sa pagiging elite hookers, bartender din siya? Say what? Gaano kakapos-palad ang isang ito?

"Oh, shit! Ikaw pala 'yan, Espee," gulat nitong bulalas at agad akong nilapitan.

"Hello, Ems," pagbati ko rito at tipid na ngumiti.

Naguguluhan pa rin ako. Hooker na ay bartender pa? Kumunot ang noo ko sa isiping kulang pa ba ang one million dollar at nagtatrabaho pa siya rito? Shit, paano pa pala ako?

"Anong order mo?" aniya dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Naroon pa rin siya sa harapan ko at matamang naghihintay sa order ko. Tumikhim ako saka nagpalinga-linga sa paligid. Sa totoo lang ay ito talaga ang first time kong pumasok sa isang bar, hindi rin ako ganoon nag-iinom kaya wala akong idea sa mga alak.

Isa pa, nagpunta lang naman ako rito para magpalipas ng oras at panandaliang lumimot sa problema ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na kaya itong dinaramdam ko. You know, it really hurts.

Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon