Chapter 16

3.8K 164 29
                                    

"Ikaw pala ang Mamu niya." Dinig kong pahayag ng isang lalaking naroon sa gilid kaya nilingon ko ito.

Siya iyong may hawak kanina kay Reece, nakaupo ito sa kaniyang wheel chair kaya nilapitan ko siya. Hinayaan ko na rin muna si Reece nang mapansing lumapit siya kay Summer upang makipaglaro rito.

"Ahm, oo. Salamat..." tipid akong ngumiti at hindi alam kung paanong pasasalamat ba ang gagawin ko.

Medyo weird lang kasi at first time kong makakita ng lalaking mahaba ang buhok, pati ang balbas nito na umabot na sa kaniyang baba, though bagay naman sa kaniya. I wonder lang kung ano ang itsura niya kapag naka-clean cut. Mahaba man ang buhok na nakatabon sa kaniya ay alam kong hindi rin ito papatalo pagdating sa kagwapuhan. Malaki ang pangangatawan, kulang na lang ay maikumpara ko ito sa mga bodyguards sa Demoirtel.

"Wala 'yon, mabuti at kami ang nakahanap sa kaniya," baritonong sambit nito na mas lalong nagpagwapo sa kaniya.

"Salamat ulit." Tumikhim ako saka inilahad ang isang kamay rito. "Esperanza pala. Esperanza Pierto."

Nalaglag ang tingin nito sa kamay ko, ilang segundo niya siguro iyon tinitigan bago mapansing kumunot ang kaniyang noo. Hindi maiwasan ay nagsalubong ang kilay ko. Anong problema? Madumi ba ang kamay ko? Nagbaba ako ng tingin sa kamay kong nakalahad, maliban sa nanginginig iyon ay hindi naman maduming tingnan ang kamay ko.

"Storm Romero," aniya at tinanggap ang kamay ko.

"Sige, Storm. Salamat talaga, ah? Tatanawin kong utang na loob ito sa inyo ni Summer," pahayag ko at tangkang tatalikuran na siya nang higitin nito ang kamay ko.

Wala sa sariling nilingon ko ang gawi niya at doon ay nakitang mariin siyang nakatitig sa akin, dahilan para mangunot ang noo ko. Ano bang mayroon? Kulang pa ba ang pasasalamat ko?

"Pierto?" mahinang saad niya, tila hindi makapaniwala.

Naningkit pa ang parehong mata nito na para bang may iniisip sa nakaraan. Samantala ay wala naman akong matandaang nagkita na kami, kung iyon ba ang iniisip niya.

"May kilala akong Pierto... pero hindi ko alam kung related kayo sa isa't-isa," sambit niya kalaunan at nangingilatis ang tinging ibinigay sa akin.

Kay Lola Sireng galing ang apelyido kong Pierto, siya na kasi ang nakagisnan ko noong magkamalay ako dahil hindi ko naman nakilala ang totoong magulang ko. Sabi pa nga niya ay napulot lang ako nito. Sa pagkakatanda ko pa ay wala siyang kamag-anak at wala rin akong nakilala kahit isa. Ang kwento kasi nito ay nasa ibang bansa ang mga naturingan niyang anak, pero hindi ako naniniwala roon.

Alam kong mag-isa na lamang noon si Lola Sireng, kaya nga nang mamatay ito ay ako lang at tanging mga kapit-bahay namin ang nakilamay sa burol niya. Walang dumating kahit ni isa, na para bang hindi na siya kilala. Bagong salta lang din siya noon sa Cagayan at hindi ko na nalaman ang buong kwento kung saan siya nanggaling dahil sa tuwing nagtatanong naman ako ay ayaw niyang sagutin.

Dumating pa sa puntong pinag-awayan namin iyon ni Lola Sireng, kaya lumaki ako noon na ang tanging nasa isip ay puro kasinungalingan lang ang pinagsasabi niya sa akin. Hindi ako naniniwalang nadampot niya lang ako sa tabing-ilog, alam kong mayroon siyang malalim na dahilan kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo, pero kahit na ganoon ay nirespeto ko na lang iyon.

Sa lahat ng kasinungalingang pinapalamon niya sa akin ay siya ring siksik ko sa musmos kong isipan. Ganoon pa man ay sobrang napamahal ako kay Lola Sireng.

"Taga saan ka ba?" pagtatanong ni Storm na siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Nagbaba ako ng tingin rito bago sumagot, "Cagayan Valley..."

Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon