Chapter 15

4K 155 35
                                    

"Do you need a drink?" Mabilis niyang inilahad sa harapan ko ang hawak nitong bottled water kaya bumaba ang tingin ko roon.

"Ahm, thank you," mahinang usal ko bago kinuha ang tubig. "I'm Esperanza..."

Kahit na alam kong nakilala niya na ako noon sa meeting ni Madame X ay inilahad ko pa rin ang kamay ko sa kaniya, saka tipid na ngumiti rito. Ngayon na malapitan ko siyang nakikita ay halos mapahanga ako sa angking ganda nito, she has the best and beautiful smile. Akala ko noon ay masungit siya dahil na rin sa plakado niyang kilay.

"Luna Esperanza Pierto," dagdag ko pa.

"Lucy Skye Martinez ulit," aniya at saka pa malakas na tumawa.

"Palabas ka ba?" tanong ko nang mapansin kong naroon pala si France sa gilid.

"Oo, lalabas lang kami saglit ni France," sagot niya habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.

Sa sinabi niyang iyon ay napangiwi ako. "Ah, mabuti naman at mabait si France sa 'yo."

Sa akin kasi ay hindi— ang istrikta niya masyado sa 'kin. Hindi naman ako naiinggit, maybe unfair lang sa side ko. Tipid akong ngumiti rito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Naalala ko iyong sinabi ni Madame X patungkol sa presyo niya, “some price you couldn't even imagine”— like, anong ibig sabihin no'n? Iba ba siya sa amin at mas mahal ang bayad?

"Sige, it's nice to see you again. Mas maganda ka sa malapitan, Espee."

Sa narinig ay halos matawa ako sa loob-loob ko dahilan para sumilay ang isang ngiti sa aking labi, tumango-tango pa ako rito. Kahit papaano ay sandali kong nakalimutan ang kaninang nangyari.

"Mag-ingat ka, Skye, at magkikita pa tayo ulit," paalam ko sa kaniya bago kumaway.

Nang makita ko ang pagtalikod niya at paglabas ay mabilis ko ring tinungo ang elevator habang hawak ang bottled water na ibinigay niya. Napatingin ako roon at nailing na lamang. Hindi ko naman kailangan ng tubig sa ngayon, nagmamadali ako kanina dahil gusto kong maabutang gising si Reece. I just wanna hug her, iyon ang kailangan ko dahil masyado nang mabigat ang nararamdaman ko.

Kinabukasan nang mag-aya si Reece na gusto niyang lumabas at pumasyal kaya naman ngayon ay binibihisan ko na siya ng jumper dress na hanggang tuhod niya, sa loob no'n ay plain white t'shirt. Matapos kong maisuot sa kaniya ang puting rubber shoes ay masaya naman nitong inilagay sa ulunan ang isang kulay asul na headband at saka pa umikot sa gawi ko.

"Mamu! Ang ganda!" bulalas ni Reece habang nagpapapadyak pa sa sahig.

Halos matawa ako sa itsura nito, ang dalawang kamay kasi nito ay nakatakip sa bibig niyang nakanganga. Kumikinang din ang parehong mata nito at hindi maipagkakailang excited siya sa pupuntahan namin. Nabanggit sa akin ni Manang Fe na may parke malapit dito kaya mas pinili kong magsuot na lamang ng sports attire.

Hindi rin naman siguro kami magtatagal doon kaya pwede na 'to. Matapos kong maisintas ang itim kong rubber shoes ay sabay na kaming lumabas ni Reece ng unit. Tumatalon-talon pa itong naglalakad hanggang sa makababa kami sa may lobby.

"Saan ho ang punta niyo, Ma'am?" anang security guard na naroon malapit sa entrance.

"Papasyal ko lang 'tong anak ko, Kuya," sagot ko at mayamaya pa'y may tinawagan ito sa hawak niyang walkie-talkie.

Hindi rin nagtagal nang bumukas ang pinto at bumungad sa paningin ko ang tatlong body guard. Napabuntong hininga ako dahil sa sitwasyon ko ngayon, akala mo naman kasi ay tatakas kami. Lumabas na kami ni Reece at mas piniling maglakad na lang sa gilid ng kalsada. Hindi ko na rin sinama si Manang dahil masyado ko na siyang naaabala.

Rampage Society: Taming Esperanza (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon