KABANATA 27

6 0 0
                                        

Cahale



Nandito ako sa Cr. Hindi ako naliligo at hindi rin ako tumatae okay!

Iniisip kulang yung nangyari kanina. Alam kung hindi niya sinasadyang masabi na. At isa pa ayoko siyang ibahin. Okay lang naman sakin kahit dalawin niya araw araw si Nikki. Okay lang.

Hmmmm..oo inaamin ko na may kunting kirot akung naramdaman pero iwinaksi ko agad dahil nakita kung pati siya nahirapan. Naghilamos nalang ako at nagtoothbrush.


Pagkalabas ko ay nagbihis ako. Si Shawn nasa sala kaya walang ibang tao dito sa kwarto. Isa lang ang kwarto dito kaya saan matutulog si Shawn? Tabi kami?

Lumabas naman agad ako. Nakasuot lang ako ng yellow over size shirt at short2x.

Pagkalabas ko ay nakita kung nanonood si Shawn ng 'we bare bears'
Napailing nalang ako. Teka..iba na ang suot ni Shawn, naka pajama nasiya at jacket. Napailing naman ako dahil panda ang design nun. Panda lover

Lumapit ako sakanya at napasulyap naman siya saakin.

"Dyosaaa!" Sabi niya at tumaas baba ang kilay.

"Che!" Sabi ko at umupo na sa tabi niya.

"Dyosaaa ng mga Pandak hihihi" dagdag niya kaya nabatukan ko siya.

"Sadista" sabi niya pa kaya inirapan kulang siya.

"Order tayo!" Sabi ni Shawn habang ngiting ngiti. Tss umaandar nanaman ang pagiging bipolar niya.

"Ikaw bahala" sabi ko nalang. Wait! Sabi niya manliligaw siya saakin? Sus! Diyan. Sinagot munanga ata! Di ah! Tss papakipot muna ako.

Hayss...matawagan nga si nanay, kinuha naman ang bagong bili kung cellphone. Yep! Bumili ako dahil yung isang kung cellphone napaglipasan na ng panahon. Nokia to Samsung oh! diba ang layo ng agwat. Partida keypad payun!

Tinipa ko agad ang numero ng kapitbahay namin na si Manang Sonya. Wala kasing sariling cellphone sila Nanay kaya nakiusap ako sa kapitbahay namin kung pwede pahiramin kapag tumawag ako. Ilang ring din bago sinagot.

"Hello?"

"Hello..Manang Sonya" bati ko agad kay manang.

"Sino to?"

"Naku manang si Jayne po ito" pagpapakilala ko kasi Jayne ang nakasanayan nilang itawag saakin.

"Aysuss..Jayne ikaw pala iyan Hija!" Nahimigan kung saya sa boses ni Manang

"Ako nga po..pwede ko po bang makausap sila Inay" magalang kung sabi.

"Sge sge" sabi niya at narinig kung parang naglalakad nasiya.

"Helena! Helena!" Sigaw ni Manang

"O! O Sonya..unsa man?" (Ano?)

"Imong anak naa sa cellphone storyahon ka" ( yung anak mo nasa cellphone , kakausapin kadaw)




"Anak! Kamusta?" Napangiti naman ako dahil narinig ko ang tinig ni Inay

"Okay lang naman nay..si Chenny po?"

"Nandito...teka CHENNY!"

"Naynay?!"

"Nandito ate mo"

"Hello ate..miss na miss na kita, uwi kana ate! Pleaseeee!" Napangiti naman ako dahil narinig ko ang tinig ng aking bunsong kapatid.

"Hindi pa makakauwi si Ate baby..miss na miss nadin kita, kayo ni nanay...sge ingat mo diha" (mag-ingat kayo diyan)



Z.A.C.S Story #HerederaStories to obsess over. Discover now