Shawn
My day went well, maayos naman ang naging takbo ng companya at nang staffs ko. Buti naman at parang di na sila mabagal. Ang kukupad pa naman minsan
Maayos naman ang naging takbo ng Lunch date--- what? DATE? No. It's not a date.---_____---
Pagkatapos namin mag lunch kanina ay bumalik agad kami sa Company. Marami pa kasi ang gagawin at aayusin para sa susunod na sales. Ewan pero nitong nakaraang araw hindi na mainitin ang ulo ko.
At di narin ako naninigaw. Parang hindi ako to. Tsk.
I think this is bad.. baka dina ako respetuhin ng staffs ko dahil nagiging mabait ako sakanila.
Exact 9pm natapos ang lahat ng papers. Nag overtime kasi kami. Yes kami.
"Hale.." tawag ko sakanya at napalingon naman siya
"Ride with me.."sabi ko sakanya nakita ko naman na namilog ang mata niya at namumula ang pisnge niya. What? Wala naman akung sinabi na masama--- shiiiit!
"What I mean is.. sumabay kana saakin"paglilinaw ko sakanya at parang nakahinga naman siya ng maluwag. Tumanggi pasiya pero ako yung nagpumilit. Ako ang boss kaya ako ang masusunod.
Binabaybay namin ang daan papunta sa boarding house niya..pero sabi niya dun ko nalang daw siya ihatid sa sakayan ng jeep kasi malapit lang naman daw paloob. Hindi nalang ako umangal kahit gustong gusto ko siya ihatid para malaman na maayos ang pag-uwi niya.
Naihatid ko na si Hale sa sakayan ng jeep.
Paliko na sana ako palabas dun sa mga tambayan ng ruta ng jeep kaya lang nahagip ng mata ko yung folder ni Hale..nasa upuan..naiwan niya ata yung folder na naglalaman ng assignment niya. Yung pinapagawa ko sakanya. Research! Tssk. Kailangan ko pa naman yun bukas.
Lumiko nalang ako pabalik and then pupuntahan ko nalang siya sa boarding house niya. Nakasakay na kasi ata siya..alangan naman pababain ko pa? Mas mabuting puntahan ko nalang dun.
10 mins ang lumipas ay lumiko ako sa Cherry St., kanto kung saan nandon ang inuupahan niyang kwarto. Pano ko nalaman? Pinaimbestigahan ko.
Mabagal ang takbo ng sasakyan ko at nakapatay pa ang ilaw. Masyadong tahimik ang lugar kaya binuksan ko ang bintana.. sa pagkakatanda ko nung mabasa ko yung bio-data niya ay nakatira siya sa Mendoza sa House number 19.
Number 15
Number 16
Number 17
Number 1------
"Bwhahahahaha" parang tawang demunyo ang narinig ko. Napalinga naman ako. Masiyadong madilim banda rito.
"H-huwag po" pagmamakaawa nung babae..parang pamilyar...san ko ngaba yun narinig?
"T-tama na p-po!" biglang sigaw nung babae na kaboses ni Hale..TAMA! Si Hale!
Napapreno naman ako sa walang oras.
Dali dali akung bumaba sa sasakyan at tumakbo dun sa madilim na parte kung saan naririnig ko ang boses ni Hale.
Narinig ko naman na parang may napunit. Shiiit!
Pumulot ako ng pamalo. Saktong may babasaging bote. Walang pag-aalinlangang pinokpok ko ito sa ulo nung mama..
"ARRRGHH!" Daing nung rapist. Shit si Hale!
Agad kung in-on ang flashlight ng cellphone ko at tama nga ako si Hale yung babae.. punit yung sando niya at yung blazer din niya..nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na naka skirt pasiya. Muntik na!
Sa sobrang kaba at takot ko sa nangyari sakanya ay napayakap nalang ako sakanya. SHIT! Muntikan ng may mangyaring masama sakanya.
For pete's sake! Kung hindi ako dumating b-baka..baka narape na siya. Tsk
nanginginig pa ang katawan niya. Kinarga kuna siya at naglakad pabalik sa sasakyan. Nang makarating na kani sa sasakyan ko ay pinasok ko siya sa passenger seat.
Nang makaupo nasiya ng maayos ay binitawan ko nasiya at isinara ang pinto. Nakatulog na siya.
Lintek lang ang walang ganti! Pumunta ako ulit dun sa lalaking nakahandusay at tinawagan sila..
"Clean the mess"sabi ko at binaba ang tawag. Alam kung alam nila kung nasan ako..they already know.
No one messes up with me. No. One.
no one can touch what is mine.
Pumunta ako sa sasakyan ko ulit at pumasok sa driver's seat. Himbing na himbing ang tulog niya. Tsk.
Muntikan na... pinaandar ko na ang sasakyan ko at dun ko muna siya papatuluyin sa Pent House ko.
Habang nag dadrive ako ay napapaisip ako sa nangyari kanina.. kung di ako dumating..nalintikan na!
Napapabuntong hininga ako..kawawang..pandak.
Nasa pent house na kami ngayon at buti nalang nandito si Manang Mauring..katulong ni Mama,pinapunta niya muna dito para maglinis ng pent house ko. Pagkapasok namin sa pent house ko ay nakita kung nagulat si Manang dahil may bitbit akung babae.
"Manang..can you change her clothes?"kahit masama ako ay may paggalang parin naman ako sa matatanda. Tumango naman si Manang. Buti nalang di na siya nagtanong. Binigay ko nalang sakanya yung damit na susuotin ni Hale. Maliit si Hale kaya Im sure hanggang tuhod niya ata yung shirt ko. Tsk. Binigyan kuna lang din si manang ng boxer para pang ibaba ni Hale.
Panty? Wala.. di kami magka size.
-___-
Dun muna siya matutulog sa kabilang kwarto.. si manang? Ayun umuwi nadin sa Mansion. Nagpalit muna ako ng damit bago ko sinilip si Hale sa kabilang kwarto.
Dahan dahan akung lumapit sakanya.. napaka peaceful nung mukha niya. I won't let them hurt you again..di ko hahayaang mapahamak ka ulit.
Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ko. This past few days palagi kung iniisip si Hale. I don't know kung bakit, maybe because she's my P.A? Pero hindi eh..pati pagtulog ko minsan mukha ni Hale ang napapanaginipan ko. MALALA NA TO. Tssk.
Dumapa ako sa kama ko at nagiisip. Maybe I need to figure this out. Kailangan kung malaman kung bakit nararamdaman ko ito.
KRING.KRING
Tamad kung kinuha ang phone ko malapit sa lamp shade. At sinagot ito.
"Yes?" Tanong ko.
"Uno..tapos na"sabi nung nasa kabiang linya. Napangisi naman ako. GOOD
"Thank you. Send my regards to the squad" pasasalamat ko sakanya o sakanila.
A lot of surprises?
Know the real me.
Sigurado akung magugulat kayo sa mga malalaman niyong pasabog. Tsk
YOU ARE READING
Z.A.C.S Story #Heredera
FanfictionBefore you read this I just want to tell you that this is a GxG story. If you're a homo, feel free to leave. ^_^ "Gusto nga kita....bat ayaw mo maniwala? Hmmp! Diyan kana nga!" Naiinis na sabi ni Pandak "Tsk. Are you sure? Baka ma child abuse ako...
