Cahale
1 moth na akung nagtatrabaho dito sa SAINT's CORP. At ang masasabi kulang ay napaka ganda ng pamamalakad nila dito..hindi ko maitatangi na maganda talagang magtrabaho dito.
Naka upo lang ako ngayon sa sofa, as always naman.. hindi ako lumilikha ng ingay baka kasi magalit si Boss.
Speaking of Boss..andun siya busy nanaman dun sa laptop niya. Tsk. Diba siya napapagod kakatitig sa mga numero at english words? Kasi kung ako yan...siguro nakatulog na ako sa kaburyuhan.
Napatingin ako sa mukha ni Boss..maganda siya, makinis at sexy pero..bat wala pasiyang asawa?
(Author: apply ka?)
Pwede ba? Este..hindi ah!
(Author: sus!)
Tsk. Hindi nga..28 na siya, wala ba siyang balak mag-asawa man lang?...sayang ang lahi niya.
"Ms. Santos"
Sayang na sayang..kung lalaki lang ako liligawan ko na eh..pero pwede din naman kahit babae..gender dont matter diba? Charoootx! At bali balita na pumapatol daw siya sa kapwa niya..so bisexual? O les siya. Abay ewan!
"Ms. Mckenly" tawag ulit ni Boss..sino ba kasi yung si Ms. Santos at Ms. Mcken---- shiiitt ako pala yun.
Agad naman akun napatingin kay Boss, kanina pa yata niya ako tinatawag halata kasi sa mukha niya ang pagkairita.
"Tsk. Saan saan kasi lumipipad ang isip" masungit niyang sabi... hindi ko nga alam bat nagsusungit na naman yan.
"Sorry po, Boss" paumanhin ko sakanya at wow! Tinaasan lang ako ng kilay. Taray ng lola niyo!
"Cold water" sabi niya. I know hindi literal na cold water yung nasa pack yung ibig sabihin niya. Hindi naman ako bobit no!
"Sige po" sabi ko sakanya at lumabas. Pumunta nalang ako sa elevator at sumakay para makababa si 40th floor kung saan nandun ang pangalawang food court.
Pagkarating ko dun ay agad akung pumunta sa counter at nag order ng malamig n tubig at 1 slice na pizza. Para kay Boss, hindi pa kasi siya kumakain...e 9:20am na.
Pagkatapos kung makuha ang order ko ay agad akung sumakay ulit ng elevator. Nang malapit na itong magsara ay may nakaabot pang isa na sasakay..hmm may itsura naman.
"Hello"pormal niyang saad...I dont want to be rude kaya nag half smile lang ako.
"Anung floor ka?"tanong niya saakin at napataas naman ang kilay ko. Close tayo? Close tayo kuya?
"33"tipid kung sabi at napahawak naman siya sa baba niya.
"Anung department ka?"tanong niya nanaman saakin..Helooooow? Close? Close?
"Wala...P.A ako"saad ko nalang at tumigil na sa pag andar yung elevator. Mabuti naman.
Agad akung lumabas at ganun din siya pero taliwas ang daan na tatahakin namin.
"By the way..Im Rico"sabi niya at ngumiti, dahil sa pagngiti niyang iyon ay lumabas ang dimple niya sa right cheek.
Binaliwala ko nalang siya at naglakad ulit..di naman ako interesado sa kanya..isang tao lang ang gusto ko.
"Di ka man lang ba magpapakilala?"sigaw niya kaya napalingon ako sakanya...
"Mckenly"tipid kung saad at binilisan ang lakad. Pagliko ko ay agad akung pumasok sa pintuan at binati si Amanda. Pagkapasok ko sa isa pang pinto ay bumungad saakin si Boss. As always nakatutok parin sa laptop.
Agad kung nilapag ang cold water at pizza sa side table niya. Napatningin naman siya dun at napataas ang kilay.
"I dont remember na nagorder ako ng pizza"taas kilay niyang sabi..shit!! Kahit ganun ang hot niya parin tingnan.
"Sungit! Baka gutom na kayo" magalang kung sabi habang nakatungo.
"Ok."sabi niya at tumutok ulit sa laptop. Napabuntong hininga naman ako at bumalik sa couch.
Wala man lang Thank you! Tsk sungit talaga.
Naglaro nalang ako sa laptop. Oo may laptop ako dito sa loob ng office ni Boss. Pinagamit niya saakin para daw di ako maburyo.
Naglaro nalang ako ng Plant vs. Zombie...hininaan kulang yung sound baka kasi mapagalitan.
"Maam, nandito ang head ng Marketing Department" biglang sabi ni Amanda sa intercom. O diba sosyal may pa intercom ang lola niyo..yaman talaga!
"Ok. Let him in" sabi ni Boss at pinatay na ang intercom. Maya maya pa ay may pumasok na..I expect na matanda na pero bata pa pala. Mga Mid 30's na ata. Matanda rin yun!
"Maam..into na po yung late report" nagaalanganing sabi nung lalaki. Halatang kinakabahan siya.
"Late? Wala na palang kwenta...late na diba?"saad ni Boss habang nakatutok yung mata sa Laptop.
"P-pero Maam...di to po nakasalalay yung desisyon niyo about dun sa last sale" mahinang sabi nung lalaki.
"I.DONT.CARE"madiin na sabi ni Boss. Nanginig naman yung lalaki.. shitt! Nakakatakot yung boses ni Boss.
"Pero Maam..basahin niyo po muna"lakas loob na sabi nung lalaki. Tumingin naman si Boss sakanya.
"Give it to me"cold niyang sabi at dahan dahan namang inabot nung lalaki yung folder na naglalaman daw nung report.
Binasa ito ni Boss at maya maya ay tumayo at huminga ng malalim..
"A piece of shit!" Mura niya.
"Get. OUT!"biglang sigaw ni Boss.. anuba nangyari?
"P-pero---
"ITO BA YUNG PINAGLALABAN MUNG REPORT?!...THIS IS BULLSHIT! I GIVE YOU A DAMN BENEFIT PERO YUNG TRABAHO MO DI MO MAGAWA!....tsk" biglang sigaw ni Boss.. halos mabingi nga ako dahil sa sigaw niya.. pero bakit ganun? Kahit beastmode siya ay..para parin siyang ANGHEL?
How to be you po?
"P-pero Maam..yan lang ang kaya na---
Sisingit pa eh! Lagot ka kuya..umalis kana..Myghhhhadd!
Na i-stress ako sayo kuya!
"Leave...Now"mahinahong sabi ni Boss at sumulyap saakin..napabuntong hininga naman siya...bat ganun? Parang may pinipigilan siya? Ano naman?
Pagkatapos ng eksenang iyon ay naging tahimik naman itong opisina.
"Ehem. By the way, thanks for this" sabi niya sabay turo dun sa Pizza..napangiti naman ako dahil marunong naman pala siyang magpasalamat.
Hays Boss...
"No problem..basta ikaw"nakaangiti kung sabi at talaga sinigurado kung makikita niya ang dalawang maliliit kung dimple..nakita ko naman na namula ang tenga niya.. pampacute eh!
"Boss..ayos kalang?"nagaalala kung tanong..eh kasi namumula yung tenga niya. May sakit basiya?
"Ehem.. I told you already, ayoko ang palatanong"masungit niyang saad pero namumula parin ang tenga..
"Sungit!"bulong ko..nakita ko naman siya na tumutok ulit sa laptop.
"I heard that" sabi niya pero nakatutok parin ang mata sa laptop.
Meron ata siya ngayon...ang sungit eh!
Kung di lang kita Crush...binigwasan na kita! Hmpp! >__<
YOU ARE READING
Z.A.C.S Story #Heredera
FanficBefore you read this I just want to tell you that this is a GxG story. If you're a homo, feel free to leave. ^_^ "Gusto nga kita....bat ayaw mo maniwala? Hmmp! Diyan kana nga!" Naiinis na sabi ni Pandak "Tsk. Are you sure? Baka ma child abuse ako...