Chapter 1

180 32 17
                                    

I can't literally recall kung saan ako pupunta, I didn't planned where and when. Ang alam ko lang ay dinala na pala ako ng sarili kong paa sa isang library.

No not in school, isang bookstore slash coffee shop. And the moment I entered on the glass door ay naramdaman ko ang salitang magic.

Bookshelves everywhere, may mga mala-unan na upuan sa sahig, halaman sa bawat sulok at ang mala-vintage na concept ng lugar.

The walls are painted in light yellow at may ilan ding paintings doon. I even saw Starry night na gawa ni Van Gogh.

I didn't know that this wonderful place exist sa lugar kung saan puro na bar at usok mula sa kotse ang masasalubong mo sa daan.

"Chapter's Book Store.." mahina kong binasa gamit ang mata.

That is the name of the store at nang nabasa ko pa lang ang unang salita'y parang gusto ko nang kilalanin ang may ari.

Is his real name is Chapter? It is just his nickname? Or does he like books too?

Habang inililibot ko ang paningin sa napakagandang lugar ay may lalaking lumapit sa akin. He smiled at me and I replied a wave.

"This is your first visit here, right? This place is amazing.." bulong nya sa akin bago tapikin ang balikat ko at itulak palabas ang glass door. He left.

Ni hindi na ako nakaganti ng malaking ngiti ulit sa kanya. That man reminds me of my dad, he also like books at saan pa ba ako magmamana? I am a bookworm by the way.

I am Epilogue, yes, you read it right but you can call me 'Epi' for the easier one. And I think you knew who gave that name to me pagkatapos akong dalhin ni Mommy ng siyam na buwan.

Yeah, you're correct. My dad!

I start to walk papunta sa counter ng store, puno din ng mga libro ang ibabaw at coffee beans naman sa ibang parte. At nakasulat din sa parang pahina ng libro ang kanilang menu.

Parang may malaking type writer silang ginamit doon dahil sa font na nakasulat, and even their drinks are based sa mga ilang kwento.

Buttered beer from Harry potter, Smoking bishop from the book A Christmas Carol , at ang Whiskey Sour na minsan ko nang nabasa mula sa koleksyon ni Papa ang The Crying of Lot 49 at kung titignan ay mas madami pang inumin ang nakalagay doon pero ang umagaw ng pansin ko ay ang ilang rules na nakapaskil sa dingding ng ground floor.

"You can read many books as you want but do not rip the pages because every words has a story." the first one.

And it hits me, actually kahit sa totoong buhay nangyayari 'to. I have an example, gossips.

May isang kwento na kakalat at kakalat pero may isang taong dagdag o babawasan ang storya, para nya naring pinunit ang isang page ng libro. And what if that page can reveal the true identity of a character? Ang totoong storya ng pinagtsitsismisan nila kumbaga.

Anyways, the 2nd rule.

"You can spill the tea of the character but not your coffee." at napatawa ako ng tahimik ng mabasa ko iyon. This bookstore really wants to take care of their books huh?

At ang pinakanghuli na mukhang kailangan na kailangan kong matandaan.

"This is a place where you can go to any places, talk to the characters, fly or even cry but reminder, some of them are just fiction. Again, welcome!"

Sa ibaba noon ay may nakasulat na, "From: Chapter." mukhang tama nga ang hula ko kanina. It's either the owner of this shop named Chapter or it is just his nickname.

But I am happy that I guess it!

The last rule kept on bothering me kahit nagsimula na akong umakyat sa pangalawang palapag.

Why?

Since I was kid, I do not have any friends o matatawag na kalaro. I tried to play with them instead of reading books, but I ended up going home dala dala ang ilang pasa imbis ang masasayang karanasan ko sa labas.

No one wants me as their pal. Maybe because I am different, not maybe, I really am.

I even locked myself sa playroom kong ginawa nang library nila Daddy dahil sa natatakot na akong humarap sa ibang tao. At kung bibilangin ko ang librong nabasa ko na ay aabutin ako ng isang araw o higit pa. Hindi ko rin naiwasan noon na mainlove sa mismong character na binabasa ko.

The last rule says, "It is just a fiction" pero masyadong masakit ang realidad para doon ko imulat ang mata imbis sa pagbabasa ng libro.

Madami akong nadaanan na mga bookshelves, may mga shelves para sa comic books, newspaper, librong pambata pero may isa akong tinigilan doon.

"Fantasy.." binasa ko gamit ng mata ang karatulang nakasulat sa itaas na bahagi ng shelve.

Halos di ko alam ang pipiliing libro dahil sa mas matangkad pa ang lalagyanang kahoy sa tapat ko. I'm just 5'7 at mukhang 6 feet mahigit ang taas nito.

And that's why there's a ladder beside me, it make sense right?

I want to read a book na mukhang hindi pa nabubuklat. I want to read some stories na madalang lang nababasa o di nagagawang pansinin katulad sakin.

I climbed the silver metal ladder at sinubukan kong abutin ang pinakangtaas na section.

"To the daffodil." unang basa ko palang sa title ay mukhang matagal akong mapapaupo sa iilang unan dito sa shop.

Mabilis akong bumaba at naghanap ng komportableng pwesto. Halo halo ang nakikita kong tao sa second floor, may mga bata, couple at ilang matatandang hula ko ay kasing edad ni Daddy.

As I walked on my way ay nakakita ako ng isang magandang pwesto. Sa dulo ng 2nd floor kung saan may malaking bintana na nakatapat sa akin.

"Finally," bulong ko sa sarili matapos umupo sa isang kulay green apple na unan.

I opened the book that I got. I saw the first page of the book at ang tanging nakasulat lang doon ay-

Don't cry.
To be lonely is to be human.
To live is to endure loneliness.
Don't wait for a call that never comes

I flipped the second page pero habang nagsisimula nang magbasa ang mga mata ko doon ay may naramdaman akong taong nakatayo unting distansya lang ang layo sakin.

Nanatili parin ang atensyon ko sa libro pero akmang babasahin ko na ang susunod na pahina nang makarinig ako ng isang malakas na pagbagsak sa sahig.

Mabilis kong inalis ang libro sa tapat ng mukha't sinundan ang tunog na iyon.

"Miss!"

"Okay ka lang ba?"

Narinig ko na ang ilang taong nagkumpulan sa isang babaeng nahulog mula sa pagkakaayat sa ladder. Nang makita ko rin kasi ang suot nyang sapatos ay masyado itong madulas para itapak sa ganung klase ng bakal.

Sinubukan kong lumapit sa kumpulan ng mga taong nagawang iwanan ang kanilang binabasa. All of them are asking for a help but I remained silent kahit na nag-aalala.

"Kuya, kuya!" kinalabit ako ng isang batang babae na nakita ko kanina habang naghahanap ako ng mauupuan.

Naiyak ito habang kinukumos ang suot kong t-shirt. "Can you help her? Kawawa naman sya." turo nya sa dalaga sabay akap sa akin dahilan para mabasa ang damit ko.

I really want to but I can't.

She looked at me again, confused. "Why are you standing, kuya? Can you call an ambulance?"

Umiling ako sa harap ng bata at ngumiti ng pilit. Nakatingin parin ito sa akin bago ko simulang igalaw ang kamay. I want to answer her but I wish she can understand me.

"I-CAN'T-SPEAK."

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon