Chapter 18

15 6 4
                                    

S T E F F

Umalis ako na ang tanging pakay ko lang ay ang makita ka. Nasasaktan ako sa tuwing bibisita ang alaala mo na hindi ko na nagagawang matulog ng mahimbing tuwing gabi. Kahit pilitin kung sumaya ay parang may kulang.

May kulang dahil sa wala ka. 

At mas lalo kong naramdaman ang butas sa dibdib ko ng madiskubre kong lahat ng ibinigay mong bulaklak na papel ay isa palang liham sa halos isang buwan mong pagbantay sa akin. Sa tuwing babasahin ko yun ng paulit-ulit ay halos di ko mapatuyo ang mga mata ko.

Habang sinasabay ko ang paningin sa bawat letra ay hinahanap ko ang yakap mo sakin noong huli tayong nagkita, nagsisisi ako dahil sa di ko man lang nagawang magpasalamat sayo. Ni hindi ko nasabi na mahal kita habang nararamdaman ko pa ang pagtibok ng puso mo.

Ang sakit, sobra. 

Dumating ako sa syudad na nanginginig sa gutom. Tanging ang laman lang kasi ng bag ko ay ang mga bulaklak na papel na ibinigay nya sa akin, ilang damit at bote ng tubig na wala ng laman at lahat ng iyon ay nabasa dahil sa malakas na ulan.

Wala akong nagawa kundi maglakad na parang pulubi sa daanan na ilang beses kong napapanaginipan, ang lugar kung saan ako naaksidente't naligo ng dugo ang sarili. Nabasa ko din naman ang bookstore sa mga liham ni Epi pero hindi ko alam saan iyon.

Sa lahat ng gamit ko'y pinilit kong itago sa ulan ang cellphone, ayon na lamang kasi ang magagamit ko para mahanap si Epi pero hindi naman waterproof ang kamay ko para hindi mabasa ang hawak hawak ko. 

Pero buti na lang ay nagawa kong magsend ng kung ano kay Epi para mahanap ako. 

I'm here, nasaan ka na ba?

Gusto na kitang makita

Please epi, magreply ka.

Wala akong ibang kilala dito kundi ikaw, please.

I really miss you

Mahal kita

Bago mamatay ang cellphone ko'y nagawa ko pa syang replyan sa ilang tanong nya sa sakin at pagkatapos noon ay itim na screen na lamang ang nakita ko. At eto ako, hindi alam kung saan igagalaw ang mga paa. Gutom na gutom na rin ako't nanghihina na.

Dahil sa bigat ng katawan ko'y napaupo na lamang ako sa gilid ng kalsada at dinadama ang pagyakap ng malamig na ulan sa akin. Hindi ko rin maaninag sa langit ang haring buwan na parehas kaming pinanuod ni Epi noong araw bago ako maaksidente, ang tanging nakikita ko lamang ay ang ilaw ng naghihingalong street lights sa tapat ko.

Dito lang ako... iintayin kita...

Sabi ko bago iyuko ang ulo't mapaiyak na parang bata habang pumapasok sa utak ang mga nagawa sa akin ni Epi na hindi ko man lang nasuklian ng buo. 

Habang nakayuko at naririnig ang pagdaan ng mga sasakyan ay ang pagtigil ng ulan sa katawan ko. Alam kong umuulan parin ng napakalakas pero wala akong maramdaman na kahit pagtulo habang nakabaon ang mukha ko sa bag.

Unti-unti kong iniangat ang ulo dahil sa nangyari at sa pagtaas nito ay ang pagsukob sa akin ng kulay dilaw na payong sa kung saan. "Huh?" sa pagtataka ay mabilis kong nilingon ang may hawak nito't halos bumuhos ulit ang luha na nagbabadya sa mata.

Ang lalaking dahilan kung bakit ako nandito. He's here.

"Epi?! Ikaw na ba yan?" mabilis akong napatayo't niyakap sya ng napakahigpit, nabitawan nya tuloy ang hawak na payong dahil sa pagkayakap nya sa akin pabalik.

Ramdam ko ang bawat paghaplos ng kamay nito sa likod habang parehas naiyak sa gilid ng kalsada at nang makahanap ng pagkakataon para makaalis sa pagkakayakap nya ay agad kong inilagay ang parehas na kamay sa magkabilaan nyang pisnge.

"I'll never leave you o-okay? I-I'm sorry sa lahat ng nangyari, mahal na mahal kita." sabi ko bago ilapat ang labi sa kanya. Muli nya akong niyakap ng napakahigpit habang nasa ilalim ng kulay dilaw na ilaw mula sa poste. 

Hinding hindi na ako aalis sayo, Epi. 

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon