Kumbaga sa isang parte ng libro ay eto na ang matatawag kong magandang nangyari sa buong buhay ko. Ang akala kong mga bagay na hindi na aayon sa gusto ko'y mali pala. Siguro nga ay may kung sinong na-control ng buhay ko para maging isang magandang storya't halimbawa sa iba.
At kung sino ka man, ang gusto ko lang sabihin ay salamat. Salamat dahil sa dulo ay pinagtagpo mo kaming dalawa. Pinagtagpo mo kami sa lugar na akala ko'y isa nang bangungot sa aming dalawa, isang bangungot na naging isang magandang panaginip.
Salamat.
Nang mabuksan ko ang bookstore ay eto na ata ang pinakamadaming customer na pumunta dito. Kumbaga kalahati palang ng tao ang nagbasa noong opening at halos triple pa ngayong araw. Hindi ko na talaga alam ang hihilingin pa, natapos ko na ang theraphy ko't hindi ko na rin maalis sa mukha ko ang ngiti habang pinapanuod sa hagdan ang mga taong nakatapat sa mga bookshelves at halos abutin ng ilang minuto sa paghahanap ng magandang libro.
At nang itutok ko ang mata sa counter ay halos hindi na makapagpahid ng pawis si Romeo sa pagkuha ng mga orders, oo nga pala, ang dalawang importanteng Staff ko sa bookstore ay nagawa din ng kanilang sariling storya. Si Romeo na rin ang nagsabi sa akin na sinagot na sya ni Juliet matapos ang ilang buwang panliligaw.
Habang pinapanuod ko ang dalawa sa pagtatrabaho ay di ko na napigilang bumaba sa hagdan at magtungo sa counter ng shop. Kita ko sa mukha ni Romeo at Juliet ang gulat nang gawin ko iyon, eto kasi ang unang beses na ginawa ko iyon.
"Sir, okay na po kami. Hindi nyo na po kailangan--" napatigil si Juliet ng bigla kong ipatong ang isang sign sa tapat ko, order here.
Matapos kong gawin iyon ay ang pagbukas ni Romeo sa isang kabinet sa ilalim ng counter. May kinuha sya doon at agad ibinigay sa sakin.
Ang briefcase mula kay Mr. Chapter.
Naalala ko ang sinabi ng abogado nya sa akin na sa oras na tumayo ako dito ay ang tamang pagkakataon para buksan ko ito. Hindi na ako nagdalawang isip na ipasok ang susi sa maliit na butas at hindi napigilang mapangiti sa nakita.
Puno ng mga litrato naming dalawa ni Steff ang laman nito. Simula noong una kaming nagkita hanggang sa nangyari ang espesyal na araw sa aming dalawa. Ang mga litrato ay mula sa mga kuha ng CCTV. Nang tignan ko din ng maiigi ang briefcase ay may isang liham galing kay Mr. Chapter at ang isang litrato ng tatlong bata sa isang clinic.
Ako, si Steff, at ang anak nya.
Pero napatigil ako sa pagkalkal doon ng makarinig ng ilang katok sa counter, "Excuse me, nakalagay kasi dito order here pero hindi ka naman nagpapay attention sa mga customer mo, napakahaba na ng pila oh!"
Mabilis kong ibinalik ang mga gamit sa loob at agad napatingin sa kung sinong customer na nagsabi noon. Nakakahiya.
"Welcome to Epilogue's Bookstore, may I get your order, ma'a--Steff?"
"Oh bakit ka nagulat? Gutom na gutom na ako. Hahaha."
Sabi nito habang magpalitan ng ngiti't bago kuhain ang order nitong paboritong french toast. Kaagad syang umalis sa pila at pinanuod ko syang umakyat sa 2nd floor, gusto ko man syang sundan pataas ay napakadami ng customer na nasa pila.
Napahinga tuloy ako ng malalim bago kuhain ang bagong order mula sa mga nakapila. Papasulat pa lamang ako sa papel ng biglang..
"Welcome to Epilogue's Bookstore..." biglang sumingit si Romeo sa sakin at sya ang kumausap ng katapat kong customer. Napaangat naman ang noo ko bago ibaba ang hawak na papel.
Napangiti ito sa sakin habang may pagtataka sa utak.
"Pero?"
"Umakyat na po kayo, kami na po ang bahala dito." sabi nya bago kumindat sa akin. Mukhang naintindihan nya ako kahit na di ako nakapagsalita kanina. Sa bagay, nasanay na ata sya sa sakin noong hindi ko pa kayang magsalita. Napatango naman ako sa kanya bago tapikin ang balikat.
"Hindi nga nagkamali si Mr. Chapter na kuhain ka."
At mabilis ko nang iniwan ang counter dahil sa pagtungo ko sa second floor. Sa dami ng nagbabasa at nakaupo sa lapag ay nahirapan akong mahagilap ang hinahanap ko pero nang makakita na ako ng babaeng umaakyat sa bakal na hagdan ay dirediretso na akong nagtungo doon.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakaalay sa hagdan dahil sa baka mangyari ulit ang nangyari noon, para tuloy akong nagbalik sa nakaraan. Time traveller!?
"Bilisan mo, naiinip na ako." mahina kong sabi habang nakahawak sa hagdan. Napatingin ako sa malayo pero naaninag ko kung paano sya lumingon sa akin.
"Epi?" gulat na gulat nyang boses. "Ang akala ko ba nasa coun----" napatigil ito ng bigla syang madulas at diretsong bumagsak sa katawan ko. Napahiga tuloy kami sa sahig at ganun na lang pagtinginan ng mga taong nagbabasa doon.
Buti na lang ay may nakaabang na mga unan sa sahig kung nasaan kami bumagsak kaya't maganda ang naging landing namin.
"Okay lang ba?" pero hindi napakali si Steff at agad tumayo't tinigan ang braso't ilang parte ng katawan ko. "Oy, sorry. Hala."
Napailing ako sabay lapit sa tenga nito. "Ayos lang, sakin ka naman bumagsak."
Kita ko kung paano mamula si Steff sabay hila sa akin papunta sa dulo ng 2nd floor, ang pwesto namin. May kilig pa din ang mukha nya't nagpapanggap na galit.
"Bakit?" seryoso kong sabi.
"Hindi yun magandang biro ha! Mamaya naaksidente ka."
"Alin? Yung pagbagsak mo sakin?"
"Epi naman!!"
"Pero seryoso ako dun, may sinabi pa nga ako na hindi mo ata narinig." sabi ko sa seryosong boses. Napaangat ang noo nito bago umupo sa isang unan sa sahig, ginaya ko na din ito't magkatapat na kaming dalawa.
"Yun lang naman yung sinabi mo ah, wala na akong narinig pero ano ba yun?"
"Na mahal kita."
Hindi ko alam kung bakit imbis sya ang mas lalong kiligin sa ginagawa ko ay mukhang ako ang nakaramdam ng pagsikip sa dibdib. Mas lumala pa ito ng bigla akong halikan sa pisnge ni Steff.
Hindi na naman ako makahinga!
"Ayan, baka pwede ka ng tumigil sa pagpapakilig sa akin dodong! Oh gusto mo pa ng is--"
I kissed her.
Kita ko sa mata nya ang gulat pero kaagad ko ding inalis ang labi ko sa kanya.
"Welcome to Epilogue's Bookstore, may I know your order, miss?"
"Yung may-ari sana, pwede ba?"
END
A/N: Hi, salamat sa pagbabasa ng Silent Love. Magkaroon din sana kayo ng masayang ending katulad sa mga nababasa nyong libro. Again, salamat. Ingat!
@JSLopez_