Chapter 15

34 11 17
                                    

Tanging ang puting dingding at ang blangkong higaan na lamang ang bumungad sa akin habang hawak ko ang isang papel na bulaklak na ginagawa ko bago ako matulog kagabi. Ang ngiting handa ko na sana ipakita sa kanya ay agad na naglaho sa mga labi ko nang malaman na nakaalis na pala si Steff sa ospital.

"Kailan pa po?" tanong ko mula sa pagtitipa sa cellphone para ipakita sa isang nurse, hawak ko parin sa kabilang kamay ang papel na bulaklak na kahit na hindi nalalanta ay nais ko na lamang itapon dahil sa wala na akong pagbibigyan.

Nang wala na akong napala sa ospital ay sinubukan kong puntahan ang bahay nila pero tanging ang pagkahol na lamang ng aso ang narinig ko mula sa labas ng gate, pero pinilit kong tumayo doon nang napakatagal kahit na mabilad na ako't mahilo sa init ng araw.

Nakaramdam ako ng pagnginig sa bulsa mula sa cellphone ko at isang email ang nakaflash screen. Kahit na pawis na pawis ay itinuon kong maigi ang mga mata doon.

Mula kay Steff.

Hello Epilogue,

Ako 'to, sabi nila ang pangalan ko daw ay Steff kaya magpapakilala muna ako sa'yo. Steff Row, 20 years old at nandito ako para sabihing nakasakay na kami papunta sa isang probinsya para doon ituloy ang recovery ko. Nabasa ko din ang lahat nang napag-usapan natin sa conversation at pasensya na kung eto pa ang naging bungad ko sa'yo. Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil sa nakapag-book na nang byahe si Daddy. Pasensya kung umiiyak ka man ngayon o nalulungkot habang binabasa 'to, pero ayoko namang umalis ng walang pasabi. Sesendan kita ng email lagi, Epilogue. Pipilitin kong alalahanin kung anong meron sa atin. At pangako kong babalik ako sa lugar kung saan tayo huling nagkita't nagsama nang masaya. Lagi kang mag-iingat ha? Huwag ka nang mag-aalala sa akin at unahin mo munang alagaan ang sarili mo bago ako. Mukha kasing malaking sugat ang naiwan ko dyan sa loob mo, pasensya na ah...

Hanggang sa muli, Steff Row.

Hindi ko na napigilang mapaupo't mapasandal sa gate pagkatapos kong mabasa ang message sa akin. Para akong tinanggalan ng kahit anong saya sa loob ko't tanging lungkot ang iniwan para pahirapan ako ng ganto. Gusto ko na lamang saktan ang sarili habang paulit-ulit na binabasa ang liham nya sa akin, ni hindi ko na nabigay ang papel na bulaklak sa kanya't tuluyan nang nabasa dahil sa dami ng luha ko.

Wala akong pakialam kung titigan at pagtawanan ako ng makakakita sa akin sa daan. Wala na akong lakas para maglakad at hindi ko alam kung saan na ako dadalhin ng mga paa ko. Napakasakit kasi ng nangyari sa akin, parang pinaranas lang sa akin ang isang linggong saya at puro na lungkot ang itinurok sa ugat ko.

"Kuya? B-bakit ka umiiyak?" isang bata ang narinig ko habang nakayuko't nakadampi sa mukha ko ang screen ng cellphone. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap nito sa akin.

Si Add.

"B-bakit ka naman naiyak? Kuya naman eh! Kuya wag ka umiyak!! B-bakit.." mukhang nahawaan ko si Add sa lungkot ko dahil sa nabasa na ako sa mga maliliit nyang luha habang nakayakap sa akin. Itinaas ko ang mukha't tama nga ako. Umiiyak sya habang suot-suot ang school uniform.

"Shhh.." tanging yun lamang ang nagawa ko para patahanin sya. Iniangat nya ang tingin sa mukha ko, pinunasan ko ang kanyang pisnge gamit ang kamay at pilit na ngumiti.

Nakanguso ito at babadya na naman ang pag-iyak kaya't agad kong ipinatong ang kamay sa buhok nito para guluhin. "W-ag na i-yak, Ad-d." sabi ko.

"Nakakapagsalita ka na?!"

Salamat kay Add at napigilan kong umiyak. Tinulungan nya din akong makabangon sa pagkakaupo sa maduming lupa at dinala nya ako sa lugar na napaka-espesyal sa akin, ang bookstore.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon