Chapter 10

69 21 8
                                    

Naririnig ko ang maingay na tunog ng sirena ng mga pulis habang nasa loob ako ng sasakyan. Nangingibabaw din ang mabahong amoy pawis sa inuupuan ko habang katabi ang dalawang pulis na pilit akong ginigitgit dahil sa laki nila.

Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sakin para damputin ako't dalhin sa presinto. Dahil ba sa hindi nila naintindihan ang sinabi ko ay basta basta na nila akong poposasan?

Imbis kasama ko si Steff ay kailangan ko pang patunayan na inosente ako. Imbis hawak ko ang kamay nya ay malamig na bakal ang pilit nagpapasikip ng kamay ko. 

Tulad ng inaasahan ay dinala nga nila ako sa istasyon na ilang minuto ang layo sa lugar kung saan ko huling nakita si Steff.

Para akong kriminal na pilit nilang pinaupo sa isang sulok katapat ang isang desk kung saan may pulis na agad na naghihintay at nakatingin sa akin.

Bago umalis ang pulis na nagdala sakin ay inalis nya muna ang posas ko sa kamay bago kinausap ang nasa tapat ko.

"Nakakarinig yan pero di nakakapagsalita, di ko alam kung alibi lang. Kaya ikaw na ang bahala.." useless ang pagbulong nya dahil sa rinig na rinig ko ang lahat.

Nang makaalis na ang tarantadong pulis na nagbitbit sa akin dito ay mukhang di pa natatapos ang kalbaryo ko. Ramdam ko din ang hapdi sa kamay ko pagkatapos akong posasan kanina.

"Kaya ka dinala dito dahil sa nangyaring insidente kanina," napatingin ako sa agresibong boses ng lalaking pulis sa harap ko.

Nakasuot sya ng kulay asul na uniporme habang hawak sa kamay ang isang ballpen. Nang magtama ang mata namin ay agad kong narinig ang paghampas ng ballpen sa mesa.

Tik! Tik!

Inuulit-ulit nya iyon na parang bang isang drum ang mesang nasa harap ko. He even looked at me na para akong pumatay ng tao pero inosente ako!

"Hindi ka ba talaga nagsasalita? O It is just an act? Kaano ano mo yung babae kanina?"

I am sure na hindi sya nakakaintindi ng sign language kaya't humugot ako ng isang journal sa front desk.

Kita ko sa mukha nya ang gulat but I have no choice, I need to see her, di pwedeng umupo lang ako dito't kwestyunin kahit na wala naman akong kasalanan.

"I DIDN'T DO ANYTHING! SHE IS MY GIRLFRIEND. PLEASE, KAILANGAN KONG SYANG MAKITA. YOU'VE GOT THE WRONG PERSON, NASA SASAKYAN YUNG BUMANGGA SA KANYA NOT ME!"

Padabog kong iniabot ang papel habang may ilang luha na pumatak doon. Sinubukan kong kumalma pero masyado na akong nadadala dahil sa nangyayari.

Nakita ko ang reaksyon ng pulis at napahinga lang ito ng malalim. He looked at me, plain.

"Sorry pero kahit na inosente ka, we still need to investigate you. Walang CCTV ang lugar kaya walang ibang lead kundi ika---"

Kaagad kong nasuntok ang police na nasa harap ko dahilan para matumba sya sa kinauupuan kasama ang ilang papel. 

Mabilis ding nagsilapitan ang ilang pulis dahil sa ginawa ko, they even locked my hands again at agad akong hinila sa dulo ng istasyon kung saan malalamig na riles ang sumalubong sakin.

They are crazy!

"Kung kumalma ka lang sana ay di ka aabot sa ganto." sabi ng isa pagkatapos akong dalhin sa loob.

Well, sino ba ang kakalma ngayon? If I were you ay baka nakapatay ka na. Tsk. Who hired this useless policemen?!

Hindi ko kayang sumigaw habang nakadikit sa mukha ko ang malamig na bakal. Nagawa ko lang silang titigan ng masama at nakuha pa akong tawanan ng isang pulis nang makita nya ako.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon