Chapter 4

80 26 16
                                    

We've talked for many nights through email and I am happy that I helped her sa ginagawa nyang story na ilalabas nya daw next month.

But when I asked her if we can have a talk sa bookstore ay tinanggihan nya ako. She need to fulfill her duty as a teacher at tanging weekends lang daw ang free time nya.

"Kuya!" someone grabbed my shirt habang nakaupo ako sa pwesto at nagbabasa. Napatigil tuloy ako para tignan ko iyon.

There's a kid na pamilyar sakin, she waved at me at binigyan nya ako ng isang candy na agad ko namang kinuha sa kamay nya.

Ah! Yung batang umiyak sakin noong nahulog si Steff few days ago.

5 days ago to be exact.

"Ay baka di mo ko naintindihan, wait!" Ibinaba nya ang bag sa sahig at may kinuha syang isang papel na mabilis nyang sinulatan.

Kahit medyo magulo ang sulat nya pero pinilit ko iyong intindihin. She's just a kid na nakasuot lamang ng uniporme habang nakatapat sa akin. Nalitaw din ang buhok nyang hinati sa dalawa bago itirintas na parang tinapay.

"Hello kuya! Naaalala mo pa ko? My name is Addelaine, pero tawag sakin ng mga kaklase ko, Add!" kahit binabasa ko lang ang sinulat nya'y para ko na ring naririnig ang maliit nyang boses.

So she wanted me to call her 'Add' like a common word in mathematics.

Napangiti tuloy ako sa harap nya bago nya abutin sa akin ang papel na hawak. I wrote something in there para di sya mahirapan na makipag-usap sa akin.

"Pwede ka namang magsalita, Add. Kaya ko makarinig pero di kaya ni Kuya na magsalita." ipinakita ko iyon sa kanya at bigla na lang syang umupo sa harap ko.

Para syang batang version ni Steff dahil may pagkasingkit din ang mata nya pero mas mataba ang pisnge ng batang kaharap ko.

"Are we friends na ba?" pagpapa-cute na tumalab naman sa akin. Tumango ako sa kanya at may ipinakita sya sa akin.

"Dahil dyan ay babasahan kita ng favorite kong book! Yung three pigs!"

At hindi na nga ako nakatanggi pa nang magsimula ng magsalita ang bata sa harap ko't tuwang tuwa syang ipakita sa akin ang bawat drawing sa bawat pahina.

Kahit ang pagpapalit ng boses sa tuwing babasahin nya ang dialogue ng mga baboy at kahit ang pag-ihip ng kontrabidang hayop sa kwento ay gayang gaya nya.

Ganun na ganun ako noong una akong makabasa ng libro. Babasahin at babasahin ko kahit na sila Daddy noon ay umay na umay nang basahan ako sa tuwing matutulog ako.

"Finish na! But wait--" she closed the book. She looked at me at natatawa.

"Bakit, Add?" sulat ko sa papel.

"May girlfriend ka na ba?"

At agad akong napalunok sa sinabi nya. Paano nasabi ng pitong taong gulang ang ganoong bagay sa harap ko at mukhang seryoso pa si Add ng itinanong nya iyon sa akin.

Tinawanan nya ako nang makita ang reaksyon ko sa itinanong nya.

"Wala no? Hahaha. Yes buti na lang! Yes." pagtuturo nya habang natatawa. Well, di naman ako magagalit kahit ulit ulitin nya na wala akong girlfriend. 

"Pero may crush si Kuya." bigla akong nagsulat at ipinakita sa kanya.

Nakita ko kung paano napalitan ng pagtataka ang mukha nya, kumunot ang noo na para bang magagalit sa akin.

"Sino? Crush pa naman kita, Kuya!" bigla akong napatawa sa sinabi nya. "Pero may crush ka na eh. Hays! Wala na. Gusto pa naman kitang pakasalan, nagpaalam na rin ako kala mama. Crush kita pero may crush kang iba.." sabi nya bago ngumuso sa harap ko't ikrus ang dalawa nyang braso.

Kamukhang kamukha nya talaga si Steff lalo na noong tumawa sya kanina pagkatapos nya akong asarin.

"Oo may crush si Kuya. Naalala mo ba yung babaeng nahulog dati?"

Nang basahin nya ang sinulat ko'y di nya ako pinansin pero nang kiniliti ko na ang tagiliran nya't lambingin ay mukhang handa na nya ulit ako kausapin.

Mga bata nga naman.

Binalik nya ang mata sa sinulat ko't tumaas ang kilay nya.

"Ah! Si ate steff!" masigla nyang sagot.

Paano nya nakilala si Steff?

Mabilis ko iyong sinulat sa papel at ipinabasa ang tanong ko sa utak. "Dati kasi lagi sya yung nakaupo dyaan." she pointed out my seat.

"Kapag tapos na ang class ko, papaalam ako kay Mama na pumunta muna dito. Kapitbahay namin si Ate steff at sya ang nasama sa akin dito."

Kaya pala ganun na lang ang iyak nya sa akin noon nang makita nyang umaaray sa sakit si Steff noong mahulog sya sa pagkakaakyat sa hagdan.

Naalala ko pa noon na ako mismo ang naghatid sa kanya dahil sa wala syang kasama pauwi.

And it make sense now.

Add stayed with me kahit na ilang beses nya nang binasa ang Three little pigs na libro. Nakaupo lang sya sa harap ko at minsan ay kukwentuhan nya ako tungkol sa ilang libro na binasa nya dati.

At halos lahat nang nabanggit nya ay tungkol sa alamat.

Pero nang makaramdam na sya ng pagkabagot ay bigla nya na lang akong niyaya na umuwi na. Gusto nya ulit na ihatid ko sya papauwi sa kanila pero di na ako tumanggi dahil sa alas singko na nang hapon at baka konsensya ko pa kapag may mangyaring masama sa kanya.

"Old mcdonald had a dog and BINGO was his name..." naririnig ko ang malakas na pagkanta ni Add habang nakahawak sya sa kaliwa kong kamay.

Kung kaya ko lang syang sabayan sa bawat lyrics ay bakit hindi, pero hindi kaya ni Kuya. 

Habang naglalakad ay nakita ko kung paano napapalitan ng magagandang bahay ang kaninang mga building na nadadaanan namin.

Punong-puno din ng poste ang bawat sulok at mga mataas na puno pero mas lalong gumanda ang paligid ng biglang itinuro ni Add ang langit.

"Bakit ba tayo sinusundan ng moon, kuya?"

Gusto kong sumagot sa tanong nya pero sigurado akong di nya ako maiintindihan dahil wala akong papel at ballpen na hawak.

Umiling lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad.

Actually, the answer is no. Hindi naman talaga tayo sinusundan ng buwan, bata palang ako ay alam ko na ang sagot pero kahit ganoon ay may unting pag-asa na sana---sana tama nga ang tanong ni Add.

If moon follows us, matutuwa ako dahil sa mayroong gusto akong titigan mula sa malayo at sundan nang napakatagal but for her, I will remained silent dahil may kanya kanya tayong paniniwala kahit na bata pa lamang tayo.

Ayokong matulad sya sa akin na di ko na nagawang kwestyunin ang ilang bagay dahil na nabasa ko na ang sagot sa libro.

Pero habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Add ay bigla akong napatigil. Diretso kong tinignan ang isang kotse na tumigil sa harap ng isang puting bahay kung saan lumabas ang isang pamilyar na babae.

"Pero kuya sino ba ulit yung sinasabi mong crush mo?"

Nanatili akong nakatingin doon ng lumabas sa kabilang pinto ang isang lalaki at diretsong hinalikan nito sa pisnge ang dalaga.

They're both happy hanggang sa nakita kong bumalik sa kotse ang lalaki.

"Kuya sino ngaaa!"

The woman gave a wave sa papalayong kotse habang di nawawala ang ngiti sa mukha pero imbis na pumasok na sa loob ang babaeng nakasuot ng pang-gurong damit ay nagtama ang mata namin sa ilalim ng sinag ng buwan.

"Kuya, answer me!"

"Steff." sabi ko sa sarili bago ituro ang babaeng nakatayo sa harap ng gate.

Silent Love  | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon